Ikalabing siyam

3.3K 93 1
                                    

" So kamusta naman ang status niyo ni Kent? " Taas kilay na tanong ni Fern kay Lyka na busy sa pagkain nito ng chocolate cake.

" He's courting me. " Diretsa niyang sagot, wala eh nageffort pa naman ng ganun para lang magtanong kung pwedeng manligaw. Siya na!

" So? May pag-asa ba? " Tanong pa ulit nito. Hot seat ata siya ngayon, pero hindi siya papatalo.

" Eh si Vier may pag asa ba? " Nakangisi niyang balik tanong.

Muntikan pang mabuga ni Fern ang frappe na iniinom sa tanong ng kaibigan, paano napunta sa kanya ang usapan? At teka, hindi naman niya alam ang tungkol don?

" Akala mo hindi ko alam na nililigawan ka ni Vier no? may pakpak ang balita Fern. " Asar niya sa kaibigan na bahagyang namumula.

" At sino naman ang nagtsismis niyan sayo? "

" Isang reliable source. " Kung reliable ngang masasabe si Angeline.

" Tss, hindi naman tungkol sa akin ang pinaguusapan natin! bat napunta sa akin? sagutin mo muna ang tanong ko! " Nakangusong sagot ni Fern.

" Asus, segway pa more. Syempre naman Oo, di naman ako yung tipong papayag magpaligaw kung wala namang pagasa. "

Napairap muna si Fern bago nagsalita muli.

" Ang dami mong arte, kung gusto mo naman pala bat di mo pa sagutin? "

" Bawal magpakipot ng onti? "

Nakangiting napailing si Fern at sumubo na lang cake, bonding time nila ngayon. Nasa isang cafe sila sa mall at nagchichikahan.

" Di naman, pwede ka namang magpakipot. " Kiming sagot ni Fern, siya nga mismo nagpapakipot eh.

" Pero si Vier may pagasa ba talaga? "

" LYKA! " Nanlalaking matang angil ni Fern sa kaibigan, natatawang tinaas ni Lyka ang dalawang kamay. Ang hot naman kasi masyado ng kaibigan niya, parang nagtatanong lang eh.

" Maiba ako, how's the company?" Fern asked.

" Doing good, magagaling ang mga staff at board. I am thankful na hindi nila pinabayaan ang company, their effort will not be wasted I promise you that. "

" Hmm, bakit ano bang gagawin mo? "

" Saka ko na sasabihin, kokonsultahin ko muna ang business adviser ko. How about you how's life? " Lyka's turn to ask questions.

" Same old, same old. My boutique is doing good, nakasurvive since opening till now. " Kwento naman ni Fern, kakasimula niya pa lang kasi magbusiness.

" Oh? teka bat ang tagal ni Angeline? " Pansin ni Lyka.

Tatlo dapat kasi silang magkikita ngayon, its week end at nagpasya silang mag girl bonding.

Fern roll her eyes heavenwards.

" I don't care about her. "

" Weh? " Asar ni Lyka.

Kunyari pa kasi ang dalawa eh close na kaya sila, dinadaan lang lagi nila sa bangayan ang lambingan nila.

Naiisip niya nga minsan na parang ang dalawa ang tunay na magbestfriend at unang nagkakilala.

" Oo kaya. "

" Dapat may pake ka, malay mo future sister in law mo na siya. "

Sinamaan siya ng tingin ni Fern na tinawanan niya lang. Saktong pagdating naman ni Angeline at naupo sa gitna nila. Pabilog naman kasi ang upuan.

" Sorry traffic eh. " Paumanhin ni Angeline.

" Wala namang nagaantay sayo. " Sabat agad ni Fern.

My Dirty Little Secret.Where stories live. Discover now