Ikapito

4.4K 155 27
                                    

Lyka's POV




" Ilan taon ka na ba pare? "



" Bente " sagot ko.



" Oh? magkano ba sweldo mo sa pagjajanitor?



" Bakit ikaw na magpapasahod sa akin? "



Ngumisi ako nang mapakamot ng ulo si Vier, naaalala niyo ba ang kumag na to? ito yung nangungulit sa aking sumali sa basketball varsity at mukhang marami siyang oras dahil nagawa pang makipagtsismisan sa akin habang nakaupo dito sa bench sa loob ng locker room ng mga players.



Ito kase ang lilinisin ko ngayon at hinihintay ko lang na makalabas na lahat ng tao para makapagumpisa, tutal tapos naman na ang practice nila.



Kung itatanong niyo kung may hubot hubad na akong nakita, so far wala naman mga walang pangitaas lang.



" Di ko pa kaya kang paswelduhin pre, wala akong money " Natatawang sabi ni Vier na fresh from the bath pa ang itsura, amoy baby cologne.



" Ayos lang walang money atleast pogi " sagot ko naman at ngumisi.



Nakipagapir naman siya dahil sa sinabi ko, well pogi naman kase siya at saka mabait sa akin kaya pupurihin ko siya.



" Yan ang gusto ko sayo, kaya nga kinaibigan kita " sabay bump fist pa, sinakyan ko na lang.



" Libre mo ko ng lunch mamaya dahil dyan " Natatawang sabi ko sa kanya, may bayad kase ang pagpuri ko.



" Friends pala kayo niyan pareng Vier? " Tanong nang kalalabas pa lang na mga lalaki mula sa C.R, ready to go na ang mga loko.



" Oo pre, astigin kaya tong si parekoy " Bulalas.



Tumayo lang ako at sinimulang magwalis habang umupo naman sa tabi ni Vier yung mga lalaki, mukhang magkwekwentuhan pa.



" Talaga pre? Bat mo naman nasabe? " Tanong nung blonde sa kanila.


" Maraming chicks ang may crush dyan "


My Dirty Little Secret.Where stories live. Discover now