Ikalabing anim

3.2K 120 6
                                    

Third Person's POV

" Mommy san ka ulit pupunta? " Tanong ng kagigising lang na si Bea sa kanyang Ina.

Naglikot ang paningin ni Helen, naghahanap ng bagong idadahilan sa anak. Ayaw niya itong madamay sa mga pinaggagawa niya.

Lagi niyang iniisip na para sa kanilang dalawa tong magina, mababayaran na nila ang lahat ng pinagkakautangan nila. Mamumuhay na sila ng masagana sa oras na makamkam na nilang lahat ng pera ng Papa niya.

" Magkikita lang kami ulit ng mga Amiga ko anak, sige mauna na ako at magalmusal ka na dyan. " Mabilis nitong sagot saka tumalikod, kasunod niya si Karding na tahimik lamang.

Di man kumbinsido ay napatango na lang si Bea at nagpunta sa kusina.

Agad sumakay ang magamo sa sasakyang nakapark sa labas ng mansion. Katabi ni Helen si Karding sa likod habang ang isang alagad pa niya ang nagdridrive.

" Ano na pong plano madam? " Tanong ni Karding sa amo saka pinaypayan na ito.

Nagiinarte nanaman kasi, pasalamat na lamang siya na malaki ang sinusweldo niya sa bruhang babae.

" Kailangan nating mapaamin si Lyka! Masyadong matapang ang babaeng iyon! Nangangati na ang kamay kong patayin iyon! " Inis na sigaw ni Helen sa gwardya, napatalon pa nga ito sa pagkakaupo.

Matagal nang inalis nu Helen sa kanyang sistema ang awa, wala siyang patutunguhan kung maawa siya.

Wala na siyang kinakatakutan, halang na ngayon ang kaluluwa niya. Kung noon ay nakokonsensya pa siya, ngayon ay hindi na.

" Hayaan na natin ang mga bata ko don Madam, alam kong may naisip na iyong mga plano. " Saka ngumisi sa amo.

Napataas ang kilay ni Helen at napangiti kalaunan dahil naunawaan niya ang pinapahiwatig nito.

" Pumunta tayo sa hide out ngayon. "

Nagmaniobra ang driver at sinunod ang gusto ng amo, ang hindi nila alam ay may mga matang nakamanman sa kanila.

----

" This is bullsht, dalawang araw nang nawawala si Lyka at wala pa rin kayong lead? " Umalingawngaw ang boses ni Fern ng isigaw niya ito.

Kasalukuyan siyang nasa estasyon ng police at nakikibalita, pati agents ay umupa na din siya para sa paghahanap sa kaibigan.

Lihim siyang napamura, nahuli na din kasi nila ang taong pumatay mismo sa lolo ni Lyka at umamin na ito sa sala ngunit tinukoy din nito ang nagutos sa kanya.

Helen Mendez, yan ang sinabi ng suspek na nahuli pa nila mula sa liblib na lugar ng palawan.

Ngayon kasi ay tumutulong na din ang daddy niya gamit ang mga koneksyon nito, Ang footage na nakuha nila ay naging malaking tulong para malaman ang pagkakakilanlan ng suspek.

" Wag kayong magalala, pinamatyagan na rin namin ang taong si Helen Mendez, may mga tauhan akong nakamasid ngayon sa anumang kilos nito. " Paliwanag ng chief ng pulisya.

Napakagat labi si Fern at malungkot na nilingon si Angeline na kasama ang kakambal nito, halata ang puyat sa kanilang mga mata dahil hindi sila nakatulog ng maayos.

Ang kinakabahala pa nila ay ang hindi pagsipot ngayon ni Kent sa istasyon. Kahapon pa ito balisa at wala sa sarili, baka kung ano ano na lamang ang gawin nito.

Napatingin silang lahat sa chief nang magring ang telepono nito na madali namang sinagot.

Bahagya pang nanlaki ang mata nito at nilingon si Fern na nakatingin sa kanila.

My Dirty Little Secret.Where stories live. Discover now