Ikaanim

4K 164 11
                                    

Lyka's POV




" Bhe, sino ba kasing inaabangan mo dito? " Kunot noong tanong sa akin ni Angeline na napadaan dito sa pinagtatambayan ko.




Napabuntong hininga ako at sinulyapan ang tagsisingkwenta kong relos, oras na dapat nang uwian niya pero hindi pa rin dumadaan ang next na target ko sa listahan ko.



" Basta, bat ka ba kase nandito? " Balik tanong ko sa kanya.



She just shrugged tapos tumabi sa pavement na kinauupuan ko sa tapat ng Business Administration Department, dahil ang nasa second list ko na si Eliza ay isang business marketing student.




Nagpalinga linga ako at di pinansin ang pagngata ni Angeline sa tabi ko, naglabas nang malaking chichirya mula sa bag niya, takaw infairness.





Nasaan ka ba Eliza? haha.




Mabuti na lang na meron litrato yung listahan na binigay sa akin, sana naman kamukha niya yung I.D picture don, ewan ko ba kung bakit pangit ang estudyante sa I.D picture tapos maladyosa sa Profile picture sa facebook, twitter at kung ano ano pa.





Nadaan ata sa anggulo, tapos sa ID magulo.




Di naman ganun kapangit yung itsura ni Eliza sa I.D kaso parang super haggard niya don tapos black and white lang ang kulay dahil photocopy lang ang meron ako.



" Umuwi ka na nga Angeline " Pangtataboy ko sa katabi ko, pansin ko kasing maraming napapatingin sa amin.



Famous pala ang bruhildang to, kahapon ko lang nalaman nang mapadaan ako sa Bulletin board, siya lang naman pala ang reigning Miss Campus ng university tss, bat di ko napansin agad yun?




" Bat mo ba ako pinapaalis bhe ko? siguro makikipagkita ka sa babae mo! "



Nasindak ako sa sinigaw niya at nanlaki ang mata, ano bang pinagsasabi nito? ang lakas nanaman ng trip ng bruhang ito!



Parang nanliit ako sa bulungan na narinig ko sa paligid, keso ang ganda ganda na daw ni Angeline naghahanap pa ako ng iba, meron pang kapal nang mukha ko buti nga pinatulan ako at kung ano ano pang masakit sa tenga.

My Dirty Little Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon