Chapter 8: What my heart yearns...

Magsimula sa umpisa
                                    

“Buwakaw I’m warning you,” I looked at him intently. “Don’t you dare hit on me,” I said in a threatening tone.

“Hit on you?” ngumisi siya. “Louise, seriously?” may halong panggagago ang tono niya.

 

“Eh anong tawag sa ginagawa mong ‘to? Harold, sinabi ko na sa’yo kanina sa reception, I don’t like it,” seryosong paalala ko pero nakangisi lang pa rin siya saka dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Kinakabahan tuloy akong napaatras kasi yung mga mata niya eh parang may binabalak talaga. “Harold papatayin talaga kita---!” napatili ako nang mabunggo ko ang maliit naming lamesa at kasabay nun ang pagkatumba ko sa kalapit na sofa. Samantalang siya eh halatang tuwang-tuwang nakikita akong natataranta. “You really are an a---!” and then he knelt down unexpectedly. “A-anong ginagawa mo?” nanlalaki ang mga mata ko.

 

What the hell is he doing? Paulit-ulit ko tanong sa sarili ko na natataranta na naman. Eh naman kasi, he just looked like he’s going to propose to me or something. At kung anu-ano pang ideya tuloy ang pumapasok sa utak ko. Na maybe… maybe he’s going to admit na… na…

And then he moved closer as he stared at me with those eyes again. And so my heart started skipping a beat again, this time a lot faster. Tapos---!

Bigla siyang yumuko at hinawakan ang injured kong paa. “Huwag ka na lang kayang magsuot na heels next time,” he said in a very concern and sweet tone saka niya dahan-dahang tinanggal ang hook ng strap ng sandals ko. And then he started inspecting it na para bang expert.

 

That’s it? Protesta ng umasa na namang puso ko. Shit! I tried breathing deeply and slowly as I stared at him with disbelief. What the hell, what am I expecting anyway? A confession? Dafuq! I feel so stupid!

And then he attempted to get a hold of my other foot pero mabilis kong nilihis ang paa ko. “A-ko na,” nangangatal ang boses kong pigil sa kanya tapos minadali kong tinanggal ang isa ko pang sandal. At pagtingin ko sa kanya eh may nakaplaster na namang ngiti sa mga labi niya habang pinapanood ako. “Ano na naman?” untag ko.

“I’m just glad I can make you that nervous,” nakangising sagot niya. “That would mean mas malakas ang dating ko sa’yo kaysa sa gagong Kurt Velasco na ‘yun,” dugtong niya.

Para makabawi, I gathered my confidence. “Hoy buwakaw, huwag kang masyadong panatag. Hindi mo lang alam kung gaano ako kakilig nung kausap ko si Kurt kanina,” ngiting-ngiting sagot ko pero di yata effective kasi nakangiti pa rin siya.  “Tsk. Tsk. You just have no idea—“ natigil ako nang pasalampak siyang umupo sa tabi ko.

“I heard you when you told him you’re not interested though,” pangiti-ngiting sabi niya na pinapahiwating niyang di siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Nakakainis, narinig niya pala ako nun. Wala tuloy akong lusot.

“Tsss, eh ikaw ba’t ka nagalit kanina nung nakita mong magkasama kami? Nakakahiya tuloy sa kanya, baka isipin pa niyang boyfriend kita,” bwisit ang mukha kong tinanong siya. Natigilan naman siya tapos agad siyang nag-iwas ng tingin.

The Basketball Jerk [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon