"Baby? Bakit sinabi ni sir sa note niya na 'your baby', Cassandra?"

"K-Kasi...kami na" hinanaan ko yung boses ko.

"Ano? Baka pwede mo namang lakasan ang boses mo dahil hindi namin marinig."

"Ang sabi ko kami na." Hindi ako makatingin sa kanya. Sigurado akong namumula na ang mukha ko ng sabihin ko iyon.

"FINALLY! Sinagot mo na rin si sir. Halata naman kasing gusto mo siya pero ayaw mo pang sagutin yung tao. Mabuti naman ay natauhan ka na habang hindi pa nauuntog si sir." Natawa ako sa sinabi niya. Masyado ko ba talagang pinatagal ang panliligaw ni Clyde? Pinaabot ko naman ng mahigit dalawang buwan para mapatunayan ko kung seryoso siya.

"Ang swerte mo talaga. Gwapo, mayaman at may kompanya ang naging boyfriend mo! Huwag mo na yang pakawalan at aagawin ko siya sayo."

"Huwag ka ng magbalak, Laurel. Wala kang chance kay sir. Hindi ka niya mapapansin kasi si Cassandra lang ang nakikita niya. Hindi mo pa ba napansin sa mga notes niya. Wala ka talagang pag-asa. Move on, girl!" Naawa na ako kay Laurel. Pinagkakaisahan siya ng tatlo.

"OO NA! Huwag niyo ng ipagdiinan sa akin. Pero tandaan niyo ito makakahanap rin ako ng katulad ni sir at tatawanan ko kayo kapag nangyari yun!" Tumawa siya. Pinabayaan ko na lang silang magkulitan.

"Cassandra, magcelebrate tayo sa pagiging official girlfriend ng isang Clyde Gabriel Villacorte. "

"Saan tayo magcelebrate?"

"Sa 'Paradeux'." Sa bar na naman at baka maulit na naman ang nangyari noon kaso wala akong choice kundi pumayag.

"Sige."

************

Nag-aayos na kami ng gamit para makaalis na kami agad. Kailangan ko munang magpaalam kay Clyde baka hanapin niya ako. Mas mabuting alam niya para hindi na siya magalit kapag hindi niya ako makita kapag umalis kami.

"Tara na, Cassandra!"

"Wait lang, Kim. Magpapaalam muna ako kay Clyde. Baka kasi magalit yun kapag hindi niya alam kung saan tayo pupunta."

"Sige sumunod ka na lang sa baba. Hintayin ka na lang namin doon"

Umalis na siya at tinawagan ko na si Clyde. Ilang minuto ang itinagal bago niya sinagot ito.

"Hi baby! Pauwi ka na ba?"

"Oo pero may pupuntahan kami ng mga kaibigan ko." Hindi siya umimik sa sinabi ko.

"Baby nandyan ka pa?"

"Saan kayo pupunta, Sandra?"

"Magcelebrate lang kami kasi sinabi ko na sa kanila na sinagot na kita. Pwede ba akong sumama, Clyde?"

"Fine but make sure that you will take of yourself. Kahit gusto ko man sumama sa inyo kaso marami pa akong ginagawa sa office." Mabuti na lang at pumayag siya.

"Ok lang na hindi ka makasama. Alam ko naman na marami kang ginagawa ngayon. Huwag mong papagurin ang sarili mo at baka magkasakit ka, Clyde."

"Yes baby. I love you."

Napangiti ako sa huling sinabi niya, "I love you too"

Naabutan ko silang nag-aabang na sakin sa entrance ng building. Nakita na nila ako. Nagmadali na akong makarating sa kanila para makaalis na kami.

"Pinayagan ka?" Tumango ako.

"Akala namin ay hindi ka na sasama. Pero mas maganda kung isasama mo si sir para masaya." Pinalo siya ni Kim.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now