Chapter 50

140K 2.5K 27
                                    

Sa mga new followers kong dumadami. 😍 Pasensya na kung hindi ko kaya mapasalamatan ng isa-isa at wala akong internet. Load lang ang nagagamit ko kapag nag-update ako ng mga stories ko.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Nakatingin ako sa cellphone sa ibabaw ng table. Nakalipas pa lang ang isang oras ng tumawag siya, gusto ko pang marinig ang boses niya. Nagsisisi na akong tinanggihan ang alok niyang sumama sa kanya.

"Hindi mawawala ang cellphone mo kaya tigilan mo na ang pagtitig dyan. Walang ginagawang masama sayo pero ang sama ng tingin mo."

Nagsisimula na naman sila. Kanina pa nila pinupuna ang ginagawa ko. Wala na kaming ginagawa ngayon at ako ang napagdiskitahan nilang asarin.

"Kung hindi ka ba naman kasing makulit. Dapat sumama ka na para hindi ka ganyang tulala at wala sa sarili kapag wala si sir."

"Hindi nga kasi ako pwedeng sumama at may ginagawa pa tayo. Hindi ko kayang iwan kayo dito na nag-aasikaso ng lahat tapos ako nandun sa ibang bansa kasama si Clyde."

Umalis si Clyde para sa isang business meeting na gaganapin sa Hong Kong. One week iyon at tinanong niya ako kung gusto kong sumama. Kung ako lang ang tatanungin ay gusto ko kaso maiiwan ang trabaho ko dito at mahihirapan sila. Nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kaya tinanggihan ko siya.

"Alam mo naman na halos natapos mo na yung sayo kaya ayos lang na sumama ka. Hindi ka naman kasi nagsabi at papayagan ka naman namin, Cassandra."

"Dapat talaga sumama ka na lang. Wala ka rin naman sa sarili ngayon at ang mahalaga lang sayo ang cellphone mo, Cass. Mamaya pa tatawag si Sir Clyde dahil kakatawag lang niya sayo kanina."

Kung alam ko lang na ipagtutulakan nila akong sumama, hinabol ko na ang flight niya. Hindi ba siya tatawag ulit? Gusto kong makausap siya kung kumain na ba siya o naayos niya ng mas maaga ang meeting niya para umuwi na siya.

"Labas na lang tayo para makalimutan mo muna si Sir. Lagi mo siyang maalala kapag nandito ka lang sa office."

"Hindi ako pwedeng uminom. Magagalit siya kapag nalaman niya."

"Kahit kami ang kasama mo?"

Hindi ako makatingin sa kanila at baka maoffend sila sa sasabihin ko.

"Oo."

"Grabe naman si sir. Alam kong possessive siya pero bakit nadamay rin kami."

"Hayaan niyo na at wala naman tayong magagawa. Hindi rin natin masisisi si sir. Last time na kasama natin si Cassandra ay may away na nangyari kaya naninigurado lang siya."

Tinanggap nila ang paliwanag ni Hanz. Ang galing talaga niya sa mga ganitong bagay. Naliliwanagan sila Laurel kapag siya na ang nagsalita.

"Kain na lang tayo sa labas, hindi pa rin ba pwede, Cassandra?" tanong ni Brix. Wala namang sinabi si Clyde na hindi pwede ang pagkain.

"Sige."

Nagpunta kami sa restaurant na Filipino cuisine ang mga pagkaing hinahanda. Lunch break na rin naman kaya ito ang napili namin. Pumili kami ng table na para sa isang grupo. Iba-iba ang mga inorder namin.

"Dito na lang tayo kumain lagi. Ang sarap ng pagkain nila."

"Kaya ba ng budget mo, Brix? Mamasahe ka pa at hindi bababa ng 300 pesos ang bawat isang order dito. Kuripot ka pa man din."

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya excited akong kinuha sa bag ko. Sigurado akong si Clyde iyon. May text message kaya binuksan ko.

From: HEAD

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now