Chapter 63

172K 4.1K 698
                                    

Mas mahaba na ito sa normal na update ko. Sa mga nagtatanong kung anong pronunciation ng pangalan ni Callen at Cellon, 'Kalen at Selon'. 😊 I created a page in facebook, AljaneRose's Stories. Doon ako magpost kung may update na. Free internet lang ang ginagamit ko sa facebook kaya nakakatipid ako. 😂 Pagbigyan niyo sana ako sa mga wrong grammars ko, please. Gusto ko munang tapusin ito bago ko iedit. Hindi ko na rin kayang icheck lahat ng mga sinusulat ko, napapansin niyo naman na maraming mali sign yan na inaantok na ako kapag nagsusulat. Enjoy this chapter!😊

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Ngumiti ito ng hindi ko man siya pinigilan na hawakan ang pisngi ko. Lumapit pa siya at nang balak na akong halikan. Nahawakan ko ang libro ko at hinarang ko sa mukha ko. Ito ang  nahalikan niya at hindi ako. Maghanap siya ng kayakap mamaya. Hindi ko na problema kung mahirapan siyang matulog basta hindi siya pwede dito. Ayoko munang makita siya. Naiinis ako kapag malapit siya sa akin at nakikita siya sa tabi ko.

Akala ba niya makukuha niya ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko makakalimutan na hindi niya ginawa ang gusto ko.

"Hindi mo ako makukuha sa ganyan, Clyde. Kahit anong gawin mo, matutulog ka sa kabilang kwarto."

Bumalik ito sa pwesto niya kanina at napakamot sa ulo. Pinagbigyan ko na siya sa pagpasok ngayon dito pero papaalisin ko na rin kapag naubos ang brownies na dala niya. Patuloy pa rin ako sa pag-ubos ng dala niya pero siya, wala pang kinakain ni isa.

"Kumain ka na, Clyde. Paano natin mauubos ito kung hindi mo ako tutulungan?"

"Kaya nga hindi ako kumakain para magtagal pa ako dito, baby."

Napatingin ako sa dala niya. Kung hindi niya ako tutulungan, hindi ko mauubos ito. May dahilan na siya para magstay dito. Gusto ko na siyang lumabas.

"Gusto mo ba akong magkadiabetes? Sige, ako na lang ang kakain nito. Gusto mo pala akong magkasakit."

Kumuha na ito. Nakasimangot sa sinabi ko. Yes! Gumana ang plano ko. Napakain ko na rin siya. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Tinigilan ko na rin ang pagkain nito baka masobrahan ako.

Malapit ko ng matapos ang libro ko ng tumabi siya sa akin. Nakatingin siya sa binabasa ko pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Sinilip ko yung plato, marami pa. Hindi niya rin kayang ubusin.

"Bakit hindi ka pa lumalabas?"

"Hindi pa naman nauubos yung dala ko kaya dito muna ako."

"Itabi mo na lang yan at lumabas ka na."

"Galit ka pa rin ba dahil walang akong biniling strawberry, Sandra? Bakit ba gustong gusto mo yon? Prutas lang naman yon."

Pinaalala pa niya ang kasalanan niya. Sinarado ko ang libro at tiningnan siya ng masama. Natahimik siya. Hindi na nga niya ako binili tapos ganon pa siya magsalita sa favorite ko.

"Hindi mo alam kung gaano ko inasahan na gagawin mo ang gusto ko! Prutas nga lang yon pero iyon ang gusto ko!"

"Sorry, baby. Hindi ko na ulit kakalimutang bumili. Nakita kong maraming strawberry sa ref. Iyon na lang muna habang hindi pa ako nakakabili."

"Ayokong kainin iyon! Gusto ko ikaw mismo ang bumili! Kaya hangga't wala kang napapakita sakin, sa kabilang kwarto ka matutulog."

Pinalabas ko siya at sinarado ang pinto. Kumakatok pa rin ito.

"Sandra, sorry na. Bukas na lang ako bibili. Papasukin mo na ko sa kwarto natin."

"Dyan ka lang! Huwag ka ng kakatok ulit kung ayaw mong isang linggo kang hindi matutulog dito!"

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang