Entry # 52: My Baby...

7 0 0
                                    

Xsavier's POV

I can't forget that kiss. Miyuki, sino ka ba talaga sa buhay ko? You're driving me crazy. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, hindi ako makatulog.

Gusto ko na maalala ang lahat, lahat lahat, lalo na si Miuyuki dahil hindi ko siya pwedeng mahalin kapag kulang pa ang alaala ko, ang pagkatao ko. Oo may pagtingin na ako kay Miyuki at nababahala ako dahil baka mahalin ko siya. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa pagkatao ko na nagsasabing wag ko siyang mahalin, may takot akong nararamdaman. Pero san galing ang takot na ito?

Haisst... Mababaliw na ako anumang oras kapag hindi pa ako lumabas dito sa kwarto ko. Ano na bang oras matignan nga ang phone ko... alas dose na pala ng hating gabi, makalabas nga muna dito sa kwarto balita ko may restaurant na bukas jan sa kanto ng 24 hours mapuntahan nga...

Lumabas ako ng bahay, maglalakad nalang ako. Suddenly may sinusundan akong babae sa harapan ko. Hallah! Mumu kaya yan? Bigla siyang napatingin...

Kaya nga ako lumabas para makalimutan ka tapos ngayon nandito ka ulit... haissst...

"Miyuki? Bakit ka nandito?" I asked

"I live here at this village also ee." Sagot niya

"Ee bakit nasa labas ka? Hating gabi na oh baka mapano ka niyan" pag aalala ko sakanya

"Pupuntahan ko sana yung bagong bukas na restaurant jan oh" sabi niya

"Sakto dun din punta ko. Sabay na tayo?" pag yayaya ko

"Sige ba ^___^" nakangiting sagot naman niya.

Habang naglalakad kami, napansin kong nakatitig siya sa akin.

"Bakit ka nakatitig sa akin? Alam ko namang gwapo ako Miyuki." Sabi ko ng nakangiti sakanya. Bigla naman niya akong sinapak at piningot sa tenga.

"Aray naman! Bakit mo ginawa yun?" tanong ko na nagtataas ng boses

"Hahaha. Yan ang bagay sa mga mayayabang na tulad mo" sabi niya. Eto nanaman, nangyayari ulit...

"Ahhh...Ang sakit ng ulo ko..." sigaw ko na biglang napa upo

"Blake! Anong masakit sayo?" pag aalala niyang sabi narinig ko pa bago magkaroon ng boses na paulit ulit kong narinig.

"Yan ang bagay sa mga mayayabang na tulad mo" ....

"Yan ang bagay sa mga mayayabang na tulad mo" ....

"Yan ang bagay sa mga mayayabang na tulad mo" ....

Pa ulit ulit kong naririnig ang mga salitang iyan.

"Yan ang bagay sa mga mayayabang na tulad mo" ....

"Yan ang bagay sa mga mayayabang na tulad mo" ....

Tapos biglang may mga pangyayaring sunod sunod na nagflash sa isip ko..

Yung sa park, sa training, sa hallway, sa school, sa hotel ni Dad dati, yung halik, yung pagbabake ng cake, sa arcade, sa cinema at... ang pangyayaring iyon, ang kanyang mga salita...

"Gusto mo malaman! Hah!? Fine! This past few days nalaman ko na HINDI PALA KITA MAHAL, HINDI KITA KAYANG MAHALIN KAHIT KAILAN!"

Mga salitang nagbigay ng sakit sa aking puso nuon. Naramdaman ko na ulit ang sakit na matagal na panahon kong nalimot na, nalimot ng dahil sa aksidente... napakasakit na nasa harapan ko siya ulit ngayon... bago ako mawalan ng malay sa sakit ng ulo ko, nasambit ko muna ang mga salitang "My Baby..." then every things on me turn to black.


Unexpected Yet Inseparable Love (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora