Third Person's POV
"Sana hindi nalang ako pumayag!" Yan ang nasa isip ni Blake. Dahil may hindi siya maintindihan sa kanyang nararamdaman. Sa tuwing hindi niya kasama si Miyuki, siya ay nangungulila sa dalaga, nasa isip niya lamang ito palagi. Sa tuwing pipikit siya, si Miyuki lamang ang kanyang nakikita at sa bawat paggising niya, ang dalaga ng gusto niya makita. Hindi niya maamin sa sarili na meron na siyang tinatagong pagtingin sa dalaga at tuluyan na siyang nakalimot sa sakit na binigay sa kanya ni Akicea.
Pinuntahan niya ang isang kaibigan na nakakakilala sakanya ng lubusan maliban sa kanyang grupo. Siya ay si Katelyn Sanchez, isang childhood friend.
"Kate, can you keep a secret?" tanong nito sa dalaga
"Oo naman, anything."tugon naman ni kate.
"All of what you know is just a pretend, she's not my girlfriend" sabi nito
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Kate ngunit agad niyang nahanap ang ulirat.
"But I think I'm already falling in love with her" dugtong pa ni Blake.
"Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan Blake. Dumadating ang tamang solusyon sa problema natin. Dumadating yung taong tutulong sa atin para lumimot sa nakaraan. Dumadating sila para sa patuloy na pagtahak natin sa buhay upang makasama sila sa hinaharap..." ani ni Kate
Parang isang bagyo na lumipol sa natutulog na damdamin ni Blake ang mga salitang sinambit ni Katelyn.
"Kate tama ka! Salamat hah. Well di pa naman ako sure but Thank you pa rin" sambit ng binata
"Walang anuman. Alam mo naming maaasahan mo ako" sabi ni Kate
Nagmadaling umalis ang binata. Alam niyang meron siyang pagtingin kay Miyuki pero hindi pa iyon gaun kalalim. Ngunit handa niyang timbangin ang nadarama. Subalit may pag-asa ba upang maging sila sa katotohanan at hindi sa mapagkunwaring pagpapanggap lamang?
BINABASA MO ANG
Unexpected Yet Inseparable Love (Completed)
RomancePrologue we might hurt ones and get afraid to love again.. we might try again .. but how if this love created unexpectedly? Unexpected Love can heal the ruined hearts???
