Entry # 42: Nightmare Reality

5 1 0
                                    

Xsavier's POV

Dalawang linggo nang umiiwas sa akin si Miyuki after nung sinabi niyang mahal na niya ako. Hindi ko alam kung bakit siya ganun pero sana naman kausapin na niya ako. Napapadalas nang si Andy ang kasama niya gaya ngayon nakikita ko sila na magkasama sa isang bench. Hindi ko na ito kaya... kailangan mo akong kausapin Miyuki...

"Miyuki talk to me."

"I'm busy." Eto nanaman mga palusot niya.

"You can't run again and again pag makikita mo ako"

"I'm not running" sabi niya ng walang emosyon na pinapakita

"Talaga!? Then why every time you will see me you keep on having distance on me?" tanong ko

"Ano bang problema Miyuki?" tanong ko pa ulit

"Walang problema." Tipid na sagot niya

"Miyuki, kung hindi mo sasabihin mababaliw na ako sa kakaisip kong anong nangyayari sa ating dalawa!" halos mapasigaw na ako, umiiyak na nga ata ako sa harapan niya ee. She look on my eyes directly. May iba sakanya, I can't read her face, I can't read her emotion, I can't read her totality.

"Gusto mo malaman! Hah!? Fine! This past few days nalaman ko na HINDI PALA KITA MAHAL, HINDI KITA KAYANG MAHALIN KAHIT KAILAN!" halos mapatingin ang lahat sa pagsigaw niya sa aking harapan. No! No! No! Blake wake up this is only a nightmare, a bad nightmare. Blake wake up now please. Hindi ito totoo, mahal niya ako sabi niya sa akin.

"Miks tayo na." aya ni Andy sakanya

Habang tinitignan ko siya sa bawat hakbang niya paalis biglang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata, mga luha ng pagdadalamhati, pagdadalamhati na wala na ang babaeng mahal ko. Kasalukuyan na niyang tinatahak ang daan palayo sa akin. Wala na... wala na ang mahal ko.

Miks POV

Dalawang linggo ang ginugol ko para pag aralan kung paano ako haharap kay Kuya Blake nang hindi nagpapakita ng anumang emosyon. Nilapitan niya ako ng hindi ko inaasahan, pinilit kong umalis sa kanyang harapan ngunit pinili niya akong magsalita. "Kaya ko na" yan ang inisip ko bago ko sinimulan ang mga masasakit na salita para sakanya.

Sa huli nagawa ko... nagawa kong saktan ang taong pinakamamahal ko. Hindi ko na kaya ang emosyon at maipapakita ko na sa kanya ang kahinaan ko, buti na lang inaya na ako ni Andy para umalis.

"Thank you Andy" sabi ko

"Wala yun. Nakita kong hindi mo na kaya" sabi naman niya habang paalis na kami.

Sinulyapan ko siya habang paalis kami at nagtama ang paningin namin. Umiiyak siya... nakikita ko ang sakit sa bawat patak ng kanyang luha. Tumalikod na ako dahil hindi ko rin napigilan ang aking sarili na maiyak sa sitwasyon. Patawarin mo ako Kuya Blake sa ginawa kong ito.


Unexpected Yet Inseparable Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon