"Ladies bathroom, now." Hinalikan nya ko bago sya bumitiw sakin at nauna syang pumunta ng banyo.

Napangisi nalang ako, pumunta ako sa table namin para kumuha ng bote ng beer bago pumunta ng cr ng makita ko si Ria na nakatungo na sa table at mukhang natutulog na ata.

"Bro, bagsak na si Ria ano hatid mo na?" Tanong sakin ni Steven.

"Bakit ako?"

"Alalay mo yan e, ikaw na maghatid bro balik ka nalang dito. Kawawa eh."

Aish. Nilapitan ko si Ria at tinaas yung ulo nya pero wala, tulog na nga.

"Hoy! Iinom inom ka ng marami tapos hindi mo naman pala kaya." Ginigising ko sya pero waepek.

"Langya naman oh." No choice, binitawan ko na naman yung bote ng beer at binuhat ko si Ria na parang bagong kasal.

Nakakasuka yung amoy nya. Oo fan ako ng alak, pero ayaw na ayaw ko talaga sa babae yung amoy alak na ewan. Lalabas na sana kami ng maalala ko si Shane, nagaantay nga pala yun sa cr. Tingnan ko sila Steven, busy sila sa kanya kanyang partner maliban kay Mitch na magisang umiinom at tumitira ng pagkain. Nilapitan ko sya at bumulong sakanya.

"Bro, si Shane nasa cr inaantay ako nun pero kasi ihahatid ko pa tong mokong nato. Ikaw na bahala." Binitawan nya agad yung beer na iniinom nya at nakipagapir sakin.

Pumunta agad sya ng cr, ako naman nagpaalam na kila Steven. Habang palabas ng bar at buhat buhat si Ria, napatingin ako sa bar table section. Nanlaki yung mata ko ng makita ko si Ms. Briones kasama sila Mr. Rajishima at Mr. Madrigal na nagiinuman malapit sa bartender. Gusto kong lapitan agad si Ms. Briones dahil pagkakataon ko nato! Umiinom sya, tapos malalasing, ako dapat maghatid sakanya! Ok na planado ko na lahat ng maalala ko si Ria, putek. Lumabas ako ng bar at pinasok sya sa sasakyan ko. Hinayaan ko syang matulog dun sa passenger's seat ng kotse ko at nilock sya dun. Wala naman sigurong mangyayari sakanya kung iiwan ko sya sa kotse, mamaya ko na sya ihahatid.

Pagkalock ko ng kotse ko bumalik agad ako sa loob ng bar. Gusto ko na syang lapitan pero kasama nya sila Mr. Rajishima, panira talaga. Kailangan ko ng diversion para maiwan magisa si Medusa para malapitan ko sya.

May nakita akong dalawang babae na walang kadate kaya naisip kong gamitin sila para mailayo sila Mr. Madrigal at Mr.Rajishima kay Ma'am.

"Hey, girls." Pinormahan ko sila at tumabi sa table nila.

"Hey, are you alone?" Tanong nung isang babae sabay kagat labi agad sakin.

She's pretty, black beauty and all but she's not my type.

"Can I have a favor?" Tanong ko sakanila. They got interested when I told them about Mr. Rajishima.

Tumayo agad silang dalawa at inaya sila Mr. Madrigal na makipagsayaw sakanila. Hindi naman nakatanggi sila Mr. Rajishima kaya naiwan agad na magisa si Ms. Briones. Nilapitan ko sya agad sabay tabi sa upuan nya.

"Another round for the lady." Order ko sa bartender at agad nan akong tiningnan ni Ms. Briones.

She's wearing a red freakin' dress that makes me wanna rip it off and kiss every part of her body.

"Oh, Mr. Salvatore." Bati nya. She's wearing a red lipstick that makes me want to kiss her badly until her lipstick fades away.

"Hindi ko alam na pumupunta kayo dito." Sabi ko habang umiinom at nakatitig sakanya.

I'm actually looking at her cleavage.

"Kayo lang ba pwedeng uminom?" Tanong nya habang ngumingisi sya.

She's smiling. Ngayon ko lang syang nakitang nakangiti at sa akin pa, ang palagi ko lang nakikita sakanya ay ang masungit at mataray nyang mukha. Ngayon, ang inosente at ang ganda nya pala lalo pag nakangiti sya.

"What are you staring at Mr. Salvatore?" Hindi nawawala yung ngiti nya sakin, lasing na talaga sya.

"Y-you look so beautiful Ms. Charlotte." Nakatulalang sabi ko sakanya habang pinagmamasdan ko syang tumatawa sa sinabi ko.

"Hahaha funny! That's what exactly your father said to me 18 years ago! Hahaha you are really his son."

Yung ngiti ko kanina, biglang nawala ng banggitin nya yung tatay ko.

"My..father?" Tanong ko pa. Ayos lasing sya at lahat ng tanong ko sasagutin nya. Oras narin para malaman ko ang totoong namamagitan sakanila ng tatay ko noon.

"Yes! Your father, Yuji Salvatore said the exact same thing to me when I was still his student a long time ago." Mapungay na mga mata nya pero umiinom parin sya.

"Did you and my father had a relationship?"

Kinakabahan ako sa magiging sagot nya.

"Hahahaha a perfect perfect relationship that anyone could wished for! He made me the most happiest woman in the world when he kneeled down and proposed to mee hee-hee-hee-" Biglang nagluha yung mga mata nya, yung tawa nya kanina naging iyak ng banggitin nya yung pagpopropose sakanya ni Daddy.

Nagulat ako na tama pala talaga lahat ng hinala ko sa sakanilang dalawa, bakit nga naman kasi magtititigan ang dalawang tao tuwing nagkikita sila kung wala silang nararamdaman para sa isa't isa diba.

"What happened? Bakit kayo naghiwala---"

"Marcus!" Natigil yung pagsasalita ko ng makita ako ni Shane at akmang susugurin ako.

Napatayo ako ng di oras at nagpaalam kay Ms. Briones. Marami pa kong tanong, marami pa kong gustong malaman pero mukhang hindi ko makukuha yung mga kasagutan na gusto kong malaman mismo sakanya.

---

My Professor, My Love 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora