Chapter 5: Partial Revelation Pt 5

85 1 0
                                    

DJ POV

Hindi ko man iniisip kung anung kantang pinatugtog niya... Pero bakit yun? 

Actually... Kanta ko dapat yun sa kanya... Alam niya kaya?

Haist!!

U..utol ko to eh!!

Naalala ko bigla... Gusto ko na sana siya tanungin.. Pero parang may bumabagabag pa rin sa loob ko... Parang hindi pa ang right time... baka kasi... baka kasi...

"Kuya, Ikaw na kaya?" Bigla niyang sabi... Narealize ko... Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.. Napayuko na lang ako.. Sanhi ng katahimikan saamin 2..

Inaantay pa rin niya ako.. May bakas na sa mga mata niya at inoff niya yung record button sa CP.. 

"Kuya may problema ba? Kung ayaw mo yung kanta, e di iba nal--"

"Hindi breg, gusto ko yung kanta... May naalala lang kasi ako.. Pasensya na ha.." Sabi ko na lang...

"Oh... kei...." Sabi niya na may bakas na pagkalito ba.. Sabay tingin sa akin na pagtataka.. "Tss.. Si kuya oh.. May nareremenisce ata e?? Hehe.." Asar neto.. Napatingin ako na tila medyo gulat.. 

Yes, Bea. Narereminisce ko na lagi kong kinakanta yun nun tuwing pinapatulog kita nung mga bata pa tayo. Yun lang naman.

"Kanta mo siguro yun sa GF mo.. Pasensya na ha.. Kasi yun lang kasi naalala kong kantahin.. bagay kasi sayo. ^_^" Sabi niya, sabay ngiti nya saakin.. Napasmirk na lang ako ng mahina.. Bumakas pa rin ang small smile sa labi ko.. pero yumuko muli ako...

Tahimik kami saglit... 

Bagay daw sakin... :'>

Kung alam mo lang sana... Tas narinig ko na lang na nagtutugtog pa si Bea ng mala adlib lang muna.. dahan-dahan ako tumingin sa kanyang nakakunot noo...

Tumugtog ba naman ng mabagal na tugtog ng Jeopardy??

Aba'y nakangisi pa ang loka-loka... You are so sly, Bea!! Bigla ako natawa sa inaasal niya! 

"Ano naman yang tugtog mo?? Nang-aasar ka ba??" Sabi ko sa pagitan ng tawa ko.. Ngumiti siya na parang nakaloko..

"E panu kasi parang ang seryoso mo bigla e! pinapakanta lang kita para maibsan lahat ng pinoproblema dito noh kung anu-ano pa iniisip mo jan? Ikaw talaga Kuya.. Parang mas-Emo ka pa ata sakin e!" Asar neto... Tumawa kami pareho..

Hays Bea... Sana forever ka ng ganyan... Hoping na kahit tumanda tayo... ganyan ka pa rin sakin.. Inakbayan ko na lang siya na pabiro..

"Wala naman bunso.. Namiss ko kasi ang pagkakataong ito..." Dahilan ko na lang.. "Taka ko lang.. Bakit sobrang aga mo naman nagising? 4am palang ah? Ganyan ka ba sa NY?" Medyo nagbuntong hininga siya. dahan-dahan siyang umalis sa akbay ko.. May something ba sa tanong ko?

"To be honest kuya... Mula kasi nung nawala si Papa... Hindi na naging maayos ang tulog ko... Palagay ko pansin mo naman siguro this past 2 days paputol-putol ung tulog ko diba? Actually nung andun pa kami... Madalas na akong insomnia.. Wala na nga rin nagwa si Mama nun sakin.. " Habang patuloy siya sa mga kinukwento niya.. Hindi niya napapansin kung gano kaseryoso na mukha ko at nakakaramdam ng guilt... hinayang... at pagsisisi.. Madami nanaman tumatakbo sa utak ko ng marinig ko tungkol sa kinagisnan niyang buhay sa NY.. 

Oo... Tama nga hinala ko.. Pinahirapan nga siya doon! At pagkakawari ko.. ang ibang grupo doon ay galing sa kanya!! Pero laking pasalamat ko na lang at sa wari ng kuwento niya, hindi siya nagawang mamolestya ng kahit sino man.. Bantay daw siya ng mga... barkada?... 

Melting the Ice (ON Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon