Chapter 4: The Comfort Disguise pt 2

98 3 1
                                    

Karla POV

Hirap talaga makagalaw ng maayos dito... Ilang araw pa ba siya dito? Wala ba siyang balak umuwi? 2 araw na si DJ dito saamin kakabantay kay Bea ah..

Kinukutuban na ako sa batang yan ha..

kasalukuyan niyang sinasamahan si Bea sa Garden kung sang busy si bea sa ipod niya, at siya...

Ayun, kung makatingin.

Wagas.

Haist!! Kung di ko lang anak to e, pinalayas ko na siya nung isang araw pa..

Pero wala akong panama sa kanya.. 

May kapit siya..

Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinagagahan namin nang..

"Anak.." Mahinahong boses ang narinig ko.. Si nay Celia! Nakatayo siya sa may door frame ng kusina na di kalayuan.. Hindi kasi siya nagsalita simula nung unang tapak ni DJ dito..

Pero parang... Bakas pa rin ang takot sa mukha niya... Na pati ako ayaw na rin niyang lapitan??

"Nay Celia?.. Lapit ka naman oh..." Pakiusap ko.. Pero hindi na siya umimik.. 

"Patawarin mo ako anak... Kinailangan ko lang kasi gawin to..." May sinasabi siya pero hindi ko maaninag.. Ano ibig niyang sabihing patawarin?

"Nay? Anong ibig mong sabihin??" Nang biglang may pumasok sa bandang likuran niya ang mga naka itim na uniporme.. parang SQUAD..

"SINO KAYO!!!" 

-----------------------------------------------------------

DJ POV

"Ang tahimik mo pa rin.. Nu ba pinapakinggan mo?" Tanong ko nang ninais kong hugutin ang isang earphone sa tenga niya para makikinig na rin..

Tumingin lang siya saakin at hinayaan lang niya ako.

Nung una.. Napakunot nuo ako...

Bakit.. Hindi ko maintindihan?

"Breg, anung kanta to? Hindi ko kasi maintindihan?" Nagfaint smile lang siya..

"Pakinggan mo kasi maigi Breg, maiintindihan mo rin yan." Mahinahon niyang tugon. 

"Hindi talaga e.. Ano bang language toh?" Inabot niya mga balikat ko na nagsasaad na umayos ako ng upo sa harapan niya..

Nakaindian seat kami harap-harapan, at tag-isa kami ng earphone ng ipod niya.

"Yumuko ka lang." Utos niya. Pero pansin ko.. Walang emosyon ang mukha niya..

"Yuyuko?"

"Ganyan. Pero pikit mo mata mo.." Suggest niya.. Tumitig pa muna ako sa kanya, parang nagtatanong.. "Tss wag ka mag-alala, hindi naman ako mawawala e!" Asar niya, sabay ngisi saakin. Napangiti ako dun ah... "Dahil pipikit din kasi ako.." Paliwanag niya. "Hawak ka sa mga kamay ko." Utos niya.. Sinunod ko naman..

Inantay ko muna siyang yumuko at pumikit tsaka ko ginawa yun..

Nung una... medyo nakakaramdam ako ng lamig sa paligid.. Na para bang may nagbukas ng sampung aircon malapit saamin..

Parang giniginaw na ata ako.. 

HINDI KASI AKO SANAY SA MALAMIG!

Ung tugtog na pinapakinggan namin... parang lumalakas..

Melting the Ice (ON Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon