Chapter 2: The Forgotten Past - Part 2

129 3 2
                                    

DJ POV

"Anak... Magpakatatag ka.. Huwag mong hahayaang tapak-tapakan lang pagkatao mo!!..."

Ang boses nanaman niya... 

Yan ang huli kong narinig bago nangyari ang hindi ko kelan man inaasam na mangyari...

AHHHHH!!!!! 

Sinabunutan ko na sarili ko.. mawala lang ang buwisit na sakit na noon pa lang ayoko na maramdaman ulit!!! 

5 years nang lumipas.. 

Hindi ko aakalaing magkakatotoo inaasam ko na babalik din sila..

Hindi mo lang din alam...

I've been so anxious to meet you. Again.

sana pala...

Hindi ko muna siya hinayaang makaalis...

Tinignan ko paligid ko... 

Makalat talaga bahay ko. Hindi lang ito halata sa gabi dahil madilim at ayokong may ilaw. Pinalayas ko na kasi lahat ng mga katulong at mga driver 2 years ago pa e.

Tumayo ako sa kinauupuan ko kung san ako hiniga ni Bea kagabi. Sa sahig lang naman ng sala. Hahaha!! Mukhang hirap na hirap siya saakin e!

Pero ang laki rin kasi ng pinagbago niya.. Bakit gumanda pa siya lalo?! ..

HAIST!!!

Hindi pwede.

Parang ayoko na tuloy uminom ng marami ah.. nakakawala sa sarili e!!

Pero sa kabila ng lahat...

Hanggang ngayon..

Wala pa rin siyang pinagbago..

Maasikaso pa rin siya... At mukhang hindi pa rin niya narerealize yun. 

Napangisi na lang ako...

She doesn't even have no idea pa rin kung sino talaga ako. Sa buhay niya.

Galing pa rin pala magtago ni Karla ah.

"Hay Bea.. Kung alam mo lang. 

Humanda na lang kayong MAG-INA."

----------------------------------------------------------

Bea POV

"Pa... Andito ulit ako sa harapan mo.. Sana nagustuhan mo yung dinala kong white roses.. Pasensya ka na ha, nakatulugan kita kagabi sa sobrang pagod.. kasabay pa ng Jetlag.. Lam mo na siguro kung bakit ako bumulagta agad.. Nakabantay ka naman e diba.. ^_^"

Andito pa rin ako sa loob ng Chapel Mausoleum ni papa... Haist lakas talaga ng ulan.. nu oras pa kaya titila itoh? 

I hope alam naman siguro ni mama kung san naman ako magagawi pag andito na kami e.. At siguro magkaroon ng hint sa dalas kong binabanggit si papa pagnagkakausap kami...

Hindi niyo nga pala naitatanong.. OO kabongga ng puntod ng tatay ko diba? yeah! kaya di rin kayo magtaka kung gaano kami kayaman.. (See the pic at the side - outside & inside)

Lagi ko nga lang tinatanong sila mama at papa noon kung anong klaseng trabaho meron si papa e.. SECRET na lang daw..

hmp! 

"Ayan kakasecret niyo ni mama, asan ka ngayon? Kung di pa ako tinawagan ni mama, hindi ko pa malalaman na may nangyayaring masama na pala sayo.. SA BAHAY PA MISMO."

Melting the Ice (ON Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon