Chapter 4: The Comfort Disguise pt 1

109 3 1
                                    

Bea POV

"Kuya! Tignan mo to!" Tumatakbo ako papalapit sa kanya na para bang excited na excited akong ipakita sa kanya ang bagay na hawak-hawak ko..

Ang maliit na pulang box..

Ang batang tinawag kong kuya.. Nakangiti saakin habang siya ay nakaupo sa lapag ng di kalayuan sa gitna ng hardin namin..

Napahinto ako bigla nang sumenyas sya na magstop sa kinatatayuan ko..

"Tignan mo muna ako Bunso!" Sigaw niya.. Sabay tingala niya sa taas..

Napansin ko ang lahat ng bulaklak na nakapaligid sa kanya ay dahan-dahang nagsiangat na para bang hinahawi ng di maramdamang hangin, pero hindi ito mismong hinahawi kundi...

Umiikot sa paligid niyang parang ipo-ipo.. 

Parang ako'y hangang-hanga lang sa nakikita ko... Tila alam ko na ang taglay na itoh...

Pumapalakpak ako sa sobrang tuwa.. ang Ipo-ipo ng bulaklak ay lumipat saakin mula sa kaniya..

Pinagmasdan ko bawat bulaklak na umiikot saakin na di ko din namalayang umaangat na din pala ako.. sa himapapawid!!

Ang sarap sa pakiramdam.. Napansin kong papalapit ako sa batang tinawag kong kuya.. Tumatawa siya sa galak.. He was spreading his arms.. waiting for me to get there...

Parang sinalo niya ako the moment na lumanding ako sa harapan niya... Napahiga kami pareho sa lapag ng garden.. Tumatawa kami..  Minasdan namin ang mga bulaklak... Patuloy lang ito sa pag-ikot sa paligid namin.. Naramdaman kong pinapanood niya ako.. Hinawakan niya kamay ko ng mahigpit,

"Bea... Para sayo yan..." Tinuturo niya ang box na hawak ko pa sa kabilang kamay ko.. "Huwag mong iwawala ha?" Bulong niya saakin... na medyo may pagkaalala sa mukha niya..

tumungo lang ako... 

Pero hindi ko na maaninag ang sumunod na pangyayari..

Maingay..

Sigaw ng isang babae... takot na takot..

May sunog..

 Ang daming dugo sa paanan ko...

Napansin ko.. nakaakap pa saakin si kuya... 

Napansin ko pang..

duguan ang likod ni kuya...

Nagmamakaawa siya..

"Tama na... please... Bea..." Yun ang naririnig ko sa kanya..

Unti-unti siyang humarap sakin mula sa pagkakayakap..

Kalahati ng mukha niya.. sugatan.. at ang kalahati ay..

"KUYA!!"

Napabalikwas ako bigla sa kinatatayuan ko!

Or... sa kinahihigaan ko ba??

Bumagsak lang naman ako sa sahig mula sa kama, na nagdulot ng ingay ng balibag sa ibaba..

"Bea?!" Narinig kong sigaw mula sa may pintuan...

Napaangat ko ulo ko at tinignan kung saan nanggaling yun. Napaluhod siya bigla sa harapan ko..

"Bea? Ayos ka lang?" Pag-alalang tanong nito.. Medyo inaninag ko pa siya..

Melting the Ice (ON Going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ