Chapter Sixty Eight

Start from the beginning
                                    

"Hmmph!"
"Hahaha! Nante ne!" (Joke lang)
Ininom niya pa nga ang orange juice ko.
"Ano kayang feeling ng nasa langit?"'

"Bakit? Mapupunta ka ba dun?"

Kuya ko ba talaga 'to? Huhuhu!

Pero... ano kayang feeling ng namatay?
I wonder what she's doing right now...

Nakatawid ka na ba, chii? Masaya ka ba dyan? Anong feeling dyan? Anong hitsura ng langit? Di ka ba makakaramdam ng lungkot dyan? May cellphone rin ba dyan? May internet din ba?

Regards mo nalang ako kay God ha :) Buti ka pa, di ka na makakaranas ng lungkot, sakit at suffer.

Medyo naiinggit ako sayo, alam mo ba yun? Kasi hindi ka na makakaramdam ng lungkot dyan, panigurado.

Ikaw, okay ka na dyan. Di ka na magsa-suffer sa sakit mo... I wish you happiness, Melody. Sana gabayan mo din ako, kami. At bantayan mo ang mga baby sisters mo. Hindi kita makakalimutan. Lagi kang nasa puso ko. Hindi ko iwawala ang mga naibigay mo sakin. Bibisitahin kita lagi... I promuse.

Gusto kong bumawi sayo pero parang hindi ko na nga magagawa yun... Sa ganoong paraan na lang, chi.

Biglang may kumatok sa pinto at tumayo naman si Kuya para buksan ito.

"Dozo." (Pasok ka)

Akala ko si Trystan.

"R-Russel?"

Ngumiti siya at iniwan naman kami ni Kuya.

"Gusto ko lang mag sorry..."

Umupo siya sa harap ko. May napansin akong may hawak siyang gift bag.

"Sorry, Musika ah. Kasi napaka g*go ko... Sorry kung nasaktan kita, kung hindi ko man lang kayo napag-ayos ni Melody... Alam mo, hindi ko inaasahang aabot sa ganito. Nahihiya nga akong lumapit na sayo eh. Kaso hindi ako pinapatulog ng konsensya ko."
...

"Siguro nga, kinamumuhian mo na 'ko ngayon. Kasalanan ko naman kasi ang lahat. Kung hindi mo pa 'ko nakilala, okay pa siguro ang lahat. Pasensya ka na talaga, Mika ah. Ginulo ko ang buhay niyo. Sinira ko ang pagkakaibigan niyo... Ang g*go ko kasi talaga. Karma ko na nga 'to."

Hindi ako makapagsalita. Nakikinig lang ako sa kanya.

"Alam mo, Musika... Si Mel, ilang beses kong nakitang umiyak yun. Kahit na magkagalit kayo, iniiyakan ka niya. Ni hindi nga niya 'ko pinatulan. Na-friendzone lang tuloy ako. Tsaka, heto nga pala... Sana i-treasure mo. Apology gift ko..."

Iniabot niya sakin ang isang regalo. Napangiti akong tinanggap ito.

"Pasensya ka na talaga Mika, ha. Hindi ko alam anong pinag gagagawa ko sa buhay ko eh. Deserve ko din naman ang hate mo. Mas mabuti ngang layuan nalang muna kita. Pero kung sakaling gusto mo ng makakausap, andito ako para sayo, Mika."

"Sorry sa istorbo, ah."

...

" Sayonara, Mika-chan."

***

Umupo ako sa grass at nilagay ang bouquet sa may lapida niya. Nandito ako ngayon sa Chinese Cemetery. Mag-isa lang ako dahil hindi pa ako handang humarap sa mga kaibigan ko.

"Bisita mo na ako mula ngayon, araw-araw kitang bibisitahin. Promise ko sayo yan."

"Alam mo, chi... miss na miss na kita. Sorry, ha."

"Namiss ko yung mga trip natin! Naalala mo nung pag nasa mall tayo? Di ko makakalimutan yung may inaway tayo dun sa arcade, yung b*bong girlfriend ni kuya pogi! Hahaha!"

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now