Pinanood ko siya habang nilulublob ang puting bimpo sa tubig bago iyon piniga. Tapos inalalayan niya ako para humiga nang maayos, tsaka niya nilagay ang basang bimpo sa noo ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Naguguluhan ako. I looked straight to his eyes despite my blurry vision. His face is serious, but I could sense care.

"Don't look at me like that," sabi niya naman habang inaayos ang bimpo sa noo ko. "This is nothing. I'm only doing this because I need my slave back."

Nakakalungkot ang sinabi niya pero binalewala ko na lang. Para kasing iba ang salita niya sa kinikilos niya. Bigla siyang bumait. Kailangan ko pa palang magkasakit para lang maging mahinahon siya sa 'kin.

I gently closed my eyes.

Ninamnam ko ang paghaplos niya sa pisngi ko at ang paghawi niya ng ilang hibla ng bangs ko mula sa noo ko. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon niya lang ito ginawa sa 'kin. Kung magiging ganito lang siya sa 'kin buong magdamag, sigurado akong bukas magaling na ako.

"I'll be back, Vannie," biglang sabi niya naman. "Just stay still."

Dinilat ko ang mga mata ko. Sinundan ko lang ulit siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto.

Ano na naman kayang gagawin niya ngayon? Nagtataka na ako kung kung bakit ang bait niya. Is it really because I'm sick?

Kung 'yon nga, sana palagi na lang akong may sakit. Para palagi siyang mabait sa 'kin. Pati 'yong paraan ng pagpapaalam niya sa 'kin kanina, ang lambing. Kulang na nga lang e halikan niya ako sa noo. Nakakapanibago. Hindi talaga ako sanay na ganito siya.

Pinikit ko nang madiin ang mga mata ko.

Lalo tuloy akong nagi-guilty at natatakot. Kapag nalaman niya na nandito na ulit si Zian, sigurado akong babalik na naman siya sa pagiging leon niya. Magwawala na naman siya sa galit.

Maya-maya lang naman ay bumalik na rin ulit si Allen.

May dala na siya ngayong tray na may pagkain at baso ng tubig.

Mas lalo akong hindi makapaniwala. Nananaginip na lang yata ako kasi imposibleng dinalhan ako ng asawa ko ng pagkain.

Pero nakakatuwa. Biglang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ang sarap naman pala niyang mag-alaga. Bakit ngayon ko lang 'to naramdaman?

Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya. He's just giving me a bored look. Pinatong niya ang tray sa bedside table, tapos umupo ulit siya sa tabi ko at inabot sa 'kin ang mangkok na puno ng mainit na noodles.

"Eat," utos niya.

Binuhat ko ang sarili ko at sumandal sa headboard. "Ikaw ba ang nagluto nito?" Kinuha ko ang mangkok mula sa kanya.

"Malamang. May iba pa bang tao rito?"

"Sorry."

Dumali na naman ang pagiging masungit niya. Binalewala ko na lang. Ayokong masira ang sandaling ito. Minsan niya lang ako alagaan.

Sumubo na ako nang kaunti para sana tikman muna kung masarap ang luto niya. Pero masyado yata akong nagmadali sa pagsubo at napaso ang dila ko sa init. Nabitawan ko tuloy ang hawak kong kutsara.

Nabigla siya at agad na binawi sa 'kin ang mangkok. "Ano ka ba! Hindi ka nag-iingat. Hipan mo muna!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa reaksyon niya. Napaso na nga ang dila ko, pinagalitan niya pa ko. Hindi niya talaga alam ang salitang 'kalma'.

Siya na lang tuloy ang nagsalok ng noodles gamit ang kutsara. Hinipan niya 'yon bago tinapat sa bibig ko.

Napaatras naman ako ng mukha at takang-taka na tumingin sa kanya.

A Wife's CryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin