Dare #012. A Night Together

62 4 1
                                    

Dare #012. A Night Together

「Thea」

Nauuhaw ako kaya naman bumaba muna ko at nagpunta sa kusina para uminom. Alas dos na nang madaling araw at heto ako hindi makatulog.

Nakababa na ko sa kusina at nagbukas ng ref. Maya maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos na tila papalapit sa kusina. Kinabahan ako. Baka kung sinong mag nanakaw o masamang loob ang nagtatangkang pasukin ang bahay namin.

Napakapit ako sa kutsilyong nasa tabi ng lababo.

"Hi Thea.." Sabi ng isang boses.

Boses na kilalang kilala ko.

Nanginig ang buo kong katawan at nanlambot ang mga binti ko. Napaupo ako sa sahig at nabitawan ko din ang kutsilyong hawak ko.

Naramdaman kong unti unti na syang lumalapit sakin at doon nakita ko ng malinaw ang mukha ng lalaking nagsalita kanina. Kahit na may kadiliman sa kusina, alam kong sya iyon. Ang lalaking kinamumuhian ko.

"Namiss kita Thea baby." Muli na naman syang nagsalita. Binalot ng takot ang buong katawan ko. Kinikilabutan talaga ako sa tuwing tatawagin nya ko ng ganon.

"P-please.." Tanging yun na lang ang nasambit ko habang napako na ang tingin ko sa mga mata nya. Nakita ko namang ikinatutuwa nya ang ekspresyon na nakikita nya mukha ko. Nakita kong napangiti sya. Ngiting alam mong may tinatagong kawalangyaan.

"Tsk tsk. Baby... Don't be afraid. Hindi ka sasaktan ni Daddy, remember?"

"Please po. Umalis na kayo." Pakiusap ko. Pero sa halip na umalis sya ay mas lumapit pa sya sa akin. Lumuhod sya sa harapan ko at nag angat ng kamay palapit sa mukha ko.

Naramdaman ko na lang nang dumampi ang malamig nyang palad sa mukha ko. Alam kong basa na ang mga pisngi ko dahil sa mga luha ko pero ni punasan ang mukha ko ay di ko magawa. Kahit isang daliri ko ay hindi ko maigalaw. Natatakot ako. Ayoko na. Kailan ba ko matatahimik. Kahit anong kalimot ang gawin ko bakit parati na lang syang babalik para ipaalala ang lahat.

Gusto ko na sumigaw, tumakbo at mawala sa sarili para lang makatakas. Pero wala. Tulad pa din ako ng dati, isang babaeng walang magawa at di kayang lumaban. Naiinis ako sa sarili ko dahil dito.

"Shhh~ tahan na Thea. Gusto mo bang si Daddy pa ang magpatahan sayo?" Bulong nya sakin gamit ang pinakamalumanay nyang tono. Literal na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa braso. Maya maya pa naramdaman ko na lang nang dumampi ang mga labi nya sa leeg ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa paghikbi, dahil noon pa man pag mas lumalakas ang paghikbi ko mas bumababa yung mga halik nya.

"Thea... Thea.... Thea!!!"

Napamulat ako ng mga mata ng marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.

"Oh God, tinakot mo ko!"

Hindi ko maintindihan pero, andito ako sa kwarto ko ngayon. Napatingin ako sa mga brasong nakapulupot sakin. Pamilyar din yung amoy nya.,, t-teka A-Ace?!

Dahil sa bigla ko, naitulak ko sya. Binuksan ko yung lamp shade sa bedside table ko. Kitang kita sa mukha nya ang pagkabigla, dahil siguro itinulak ko sya, pero parang may iba pang emosyon ang mababakas sa mukha nya...parang pag aalala?

Teka ba't naman sya magaalala at higit sa lahat..... Bakit andito sya sa kwarto ko?!!!!!

"Ace! Pano ka naka-"

"Hep!" Tinaas nya yung kanang kamay nya malapit sa mukha ko. "Alam ko na yan. Sorry na. Narinig kasi kitang umiiyak.. Kaya ayun kinuha ko ang spare keys sa baba kaya pinasok na kita. Nagalala lang naman ako."

Dare You to LoveWhere stories live. Discover now