Dare #005. Unfaded Memories

83 4 2
                                    

A/N: three days na ko nagddrama. Ewan ko kung bakit. Crayola ang peg ko. >< ewan. Siguro i just miss my mama and my college friends and my college life. And i feel alone sa work. XD kasi naman. Bago pa lang ako. 1st day. Haha and I hate the feeling of a sudden change in my environment. Di naman ako unsociable pero basta. I miss going to school with my ever loko lokong friends. Dati gusto ko na magwork ngayon nagwowork, sinusumpong naman ng kadramahan. Hahah. Adik ko ba? Lol. Masasanay din ako.

So students please enjoy your schooling to the fullest^^,)

Oh the end na. Eto na yung update. Wahahah. Charrr~

Mark on the side ------->

Dozo~

______________________

Dare #005. Unfaded Memories

{Ace's POV}

"Ano pre bati na kayo nung bata?" tanong ni Kyle.

Nasa quadrangle kami ngayon, break na. As usual ako na naman ang pinagdidiskitahan ng mga toh. "Di pa."

"Oi oi. Ano yan ahh? Meron ba kaming hindi alam huh. LQ?" Tanong ni Mark.

"Tsk. Mag-aral ka na nga lang dyan." Sabi ko. Di ko pa ba nasasabi? Genius ng barkada tong si Marco. Mark for short. Ewan ko bakit 'k' at hindi 'c' ang ginamit nya sa alyas nya. Ay teka. Bat ba yan ang sinasabi ko. Baka lang kasi nagtataka kayo. Haha. Ayun na nga. May pagka bookworm tong si Mark. Dapat mga 4th year na toh dahil accelerated kaso ayaw daw nya. Gusto nya kasabay kaming grumaduate. Sa bagay, kami lang naman kaibigan neto. Madalas kasing napagkakamalang geek ng iba pero habulin pa rin naman ng mga girls.....na nerd. Haha

"Tsk~ anong LQ ka dyan. Wala ngang lover yan quarrel pa?" Sabi ni Leo.

"Oh tama nga naman." sabi ni Mark habang nagsosolve ng calculus problems. Homework toh eh gusto nyang gawin na ngayon dahil may gimmick daw sila mamaya., well kasama dapat ako kaso ayoko muna. Kailangan ko pang solusyunan ang problema ko kay Thea.

Tsk. Ano ba naman yan. Pa hard to get ang drama. Two days na nya kong di kinikibo. Eh paki ko ba? Yan lagi kong sinasabi pero di pa din mawala sa isip ko yung mukha nya nung gabing yun.

Gusto ko sana tanungin si tita Lydia about the drawings sa kwarto nya pero di ko na tinuloy baka sabihin ang pakielamero ko naman.

Haisssttt~~

Ano ba naman Ace. Isang babae lang problemado ka pa. Samantalang ang mga babae ang namomroblema sayo ah.

Naglalakad na kami papunta ng engineering building. At sa inaasahan ko ng pagkakataon nakita ko si Thea, may daladalang naglalakihang sketch pads. Ngayon ko lang napagtanto di ko alam kung ano yung course nya. Magkasama ba talaga kami sa bahay? Ay ewan. Muka ngang sya ang may gawa ng lahat ng drawings sa wall nya, pero bakit ganon na lang yung mga art nya...nakakabigat sa pakiramdam.

"Pare una na kayo." Sabi ko dun sa tatlo. Buti na lang di nila nakita si Thea kundi nako magtututuro na naman yang mga yan.

Inantay ko muna sila makalayo saka lumapit ako kay Thea. Di nya ko napansing lumapit sa halip yung kasama nya ang unang nakapansin.

Ay talaga naman, halatang kinikilig sya. Hinawi nya yung buhok nya at nagpauna na ng lakad para salubungin ako.

Nagmadali na ko sa paglakad at nilagpasan ko sya. Okay alam ko napahiya sya non pero don't care. Si Thea ang concern ko ngayon.

Teka Ace concern ka??! Aisst! tsk. Hindi no. Gusto ko na kasing matapos tong sorihan na toh. Nakakakonsesnya kasi.

"Thea." Tuluyan na kong nakalapit sa kanya.

Dare You to LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant