Dare #011. Campus Rumor

62 2 0
                                    

Dare #011. Campus Rumor

[Thea's POV]

"Sabi ko Yo!!!" Inis nyang sabi.

"Huh?" Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Anu ba yan snob much? Ano ba yang dinidrawing mo?" Tanong nya.

Shoot! Sinara ko bigla yung black pad ko. Ayokong may nakakakita ng personal drawings ko. Kung nung una napalampas ko na makita nya yung mga drawing ko sa kwarto, this time hindi na.

Since wala yung prof ko for the next subject, heto at tumambay muna ko sa open field ng campus. Upo upo lang sa damuhan habang dinodrawing ko kung ano mang bagay ang una kong maisip.

"Tsk. Damot. Patingin lang eh." Asar na sabi ni Ace.

Kanina pa toh ah. Buntot ng buntot. Since pag alis ng bahay sumabay na sakin. Pagpasok ng gate ng skul kasabay ko pa din. Pati ba naman papuntang arts building sumama pa din eh sa kabilang building kaya sya.

Naiinis na ko. To think na kanina pa nagbubulungan yung ibang estudyante pag dadaan ako.

Tss. Paranoid lang Thea?

"Ano ba kasi ginagawa mo dito?"

Tumayo na ko at pinagpag yung palda ko. Niligpit ko na din yung mga drawing materials ko.

"Kasungit naman ng Thea ko."

Napatigil ako sa ginagawa ko at di ko alam kung nasaan na ang kilay ko dahil tumaas na naman itong muli.

Thea nya?!!

The F!

Lumuwag na ata ng tuluyan ang turnilyo.

I gave him a poker face.

"Nako Ace, lumayo layo ka nga. Baka majombag kita dyan." Naiinis na talaga ko. Napaka kulit neto ah.

Umalis na ko papunta sa building namin. Magsstart na pala ang next class ko.

"Oi~ ang bilis mo naman maglakad. Wait lang....."

"Ano ba kasi at sunod ka ng su--"

'Sya yun di ba?'

'Oo mga sya yun. Pero sino yung lalaking nakablack hood last time?'

'Boyfriend nya?'

'Uhmmm~ nagkikita pa sila ng palihim sa lumang building ah.'

And i felt a chilling sensation. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

'Sa bagay walang iistorbo sa kanila kung dun sila gagawa ng milagro.'

'Wahahahaa. Korek ka dyan girl.'

'Nako sabi na eh. Iba din kalikaw ng bituka nito.'

"Sige na mauuna na ko."

Dammit. Gusto ko na pumasok sa building namen pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Nakakainis. Eto na kinakatakot ko. Magugulo na naman ang buhay ko dahil sa lalaking yun.

"Haissst! Thea!"

Napalingon ako kay Ace. Ano naman trip neto at nasigaw pa. Ang lapit ko lang sa kanya ah.

Tuloy lang ako sa pagtingin sa kanya. Naka ngiti pa ang loko samantalang ako parang gusto ko maiyak sa kahihiyan at inis.

"Kita ulit tayo sa lumang building ahh!!!" Mas lalo pa syang sumigaw.

Eh? Ano daw?

"Basta kita ulit tayo don mamaya. Text na lang kita!!"

"Ano ba di ako bingi! Saka anung magkita ulit?"

Dare You to LoveWhere stories live. Discover now