Dare #002. Same Roof

151 5 1
                                    

A/N: tadaaaahh chapter 2~

nga pala pag may mga places ako na binggit imbento lang yun ah.hehe.. di kasi ako galang bata kaya looser ako sa lugar at mga direction slash mga daan.. no sense of direction hihi

ayon~ feel free to read comment vote etc.. ^^,)v

p.s may mga casts na ko.. oo puro japanese actors and actresses sila.. i just love jdo that much.. nagkkdo din naman ako but nasa japan talaga ang puso ko.. hihihi.

THEA on the side ------------->

dozo~

__________________________________

Dare #002. Same Roof

{Thea's POV}

"Goodmorning ma." Bati ko kay mama na ngayon ay katatapos lang magluto. Hmmmm. Ang bango. Nakakagutom. Naman bakit wala akong talent sa pagluluto. Ehem Thea tamad ka lang? Oo na may katamaran ako sa pagluluto. Taga kain na lang ako pwede na yun. Next time na ko mag aaral ng mga ganyang bagay. Hahah

"Oh goodmorning nak. Kain na at ng makapasok ka na. Pinaghanda na din kita ng baon mo. Dinamihan ko na para kina Mica." Sabi ni mama. Ay nako naman talaga ang bait ng mama ko no. Mana ko dyan eh. Haha

"Thank you po!"

Nagsimula na kaming kumain. Nasabi ko na bang kami lang ng mama ko ang magkasama sa lumang bahay nila lola? Pinamana na kasi ni lola tong bahay kay mama. Luma na talaga at mukang haunted house sa gabi pero maayos pa to. Sina lola kasi sa probinsya na nakatira. Mas tahimik daw dun kesa dito sa Maynila. Anyway nag-iisa lang akong anak. At ang tatay ko? Nah~ nevahmind him. Basta sayang oras malapit na kong pumasok baka malate pa ko oh.

"Bye ma! Alis na ko." Nilagay ko na sa back pack ko yung mga baon ko.

"Oh mag-iingat ah. Wag tatanga tanga sa daan!" Nako naman tong mama ko. Muka ba kong tatanga tanga sa daan. Well minsan lang naman yun nung manakawan ako ng phone dati.

"Yes ma. Bye!" Kiniss ko na sya sa cheeks. Uhmmm amoy ulam. Hahah~

Lumabas na ko ng bahay pero tinawag ako ni mama mula sa may biranda.

"Thea! Uwe ka ng maaga ah. Tulungan mo kami mamaya."

"Yes po!" At umalis na ko. Darating na kasi yung friend ni mama galing probinsya at dito muna makikituloy sa bahay. Kasama nya palang lilipat yung anak nya though dito naman sa maynila nagaaral yung anak nya since then. Maliit kasi yung appartment nung anak nya kaya niyaya na din ni mama na doon na din tumuloy yung anak nya. Hindi pa naman ako sanay na may kasamang iba sa bahay. Di bale na nga. Ilang buwan lang naman yun. Di rin naman siguro masamang may makasama akong iba.

Nakarating na ko ng school at naikwento ko mga yung nangyare sakin sa lrt kahapon. At eto sila di ko malaman kung kinikilig o tumatawa eh.

"Ano ba ang swerte mo talaga Thea!! Ikaw na!" Sabi Reese. Naman eh. Kailangan ko pampalubag loob dahil sa nawala kong kahihiyan at eto panggagatong pa binato sakin.

"Ano swerte don ah!?" Tanong ko.

Nagtinginan naman sila Reese at Mica. Anong problema neto?

"Hello!! Si Ace lang naman yung sinasabi mo eh!" Sabi ni Mica.

"Aba kilala mo?" Tanong ko.

"Oo naman! Kilala ng buong skul maliban sayo! Tsk." Sabi ni Reese. Yung muka nya halatang di makapaniwala. Eh sino ba kasi yon?

"Sabi mo matangkad, maputi, gwapo at higit sa lahat mabango!" Sabi ng excited na excited na si Mica.

"Loka! Imbento ka. Wala akong sinabing mabango. Ano yun singhutin ko pa?" Sabi ko.

Dare You to LoveWhere stories live. Discover now