Dare #004. Dark Past

97 2 0
                                    

A/N: yey. 4th na. Haha ako lang ata natutuwa. Lols. Basta keep on reading guys. Tell me kung boring na or nawawala ako sa plot ko. Haha.

Anyway..baka every other day na lang update ko. Kailangan ko ng kumayod para mabuhay. Haha

KYLE on the side --------->

Dozo~

________________________________

Dare #004. Dark Past

{Ace's POV}

"Ace 'nak gising na! Alas nwebe na oh.. Samahan mo kong mamili sa labas ngayon." Narinig kong sabi ni mommy habang tulog pa ko.

Hala Ace tulog nakarinig? Eh di naman. Ginigising na kasi nya ko. Tsk ang aga pa kaya ng alas nwebe noh. Pag weekends kasi ang gising ko talaga mga alas tres. Hindi alas tres ng madaling araw ah. Alas tres ng hapon. Oo na. Ako na tulog mantika. Eh minsan lang naman kasi ako makatulog ng mahaba haba. Monday to Friday pasok ko at five o'clock pa lang gising na ko para mag handa sa pag pasok. Oh masisisi nyo ba ko? Ehem mga estudyante out there.

"Ma naman ka aga pa eh~!" Nagtalukbong pa ko ng kumot at tinakpan ko ng unan yung mukha. "At saka masakit pa ulo ko."

Nako naman. Naglasing nga pala ko kagabi. Tsk. Ano bang nangyare after non? Basta nakauwe ako. hehe.. Galing ko talaga.

"Tsk. Tong batang toh. Dali na. Samahan mo ko mamalengke. Tanghali na oh wala na kong aabutan sa palengke nyan." Hala sige patuloy si mommy sa pagyugyog sakin. Kainis.

"Ayun naman pala ma. Wag ka nang mamalengke. Wala ka na palang aabutan eh." Sabi ko.

"Wala tayong aabutan kung di ka babangon dyan! Ako magluluto ngayon. Makabawe man lang sa tita Lydia mo. Dali hala bangon na!!!" Nako naman. Matutina na ang boses nya. "At saka anong oras ka ba kasi umuwe?? Sabi ni Thea hating gabi ka na daw nakauwe ahh."

"Tsk. Nasabi na pala nya sayong hating gabi na po ako nakauwe tatanungin pa ko. Mommy talaga oh~" Bumangon na ko at nag unat unat. Argggh ang ulo ko ang sakit. Parang nabibiyak na.

"Ay oo nga noh?" Narealize ni mommy. haha. "Aba teka. Pilosopo kang bata ka ah!"

"Aray naman mom!" Binatukan ba naman ako. Tsk sakit na nga ng ulo ko eh. Di naman ako pilosopo eh. Just stating the fact. Mga nanay nga naman oh.

"Dali hala bangon na!!!!!" Ang boses nya matutina na naman. Lalong nabibiyak yung ulo ko.

"Eto na po eto na. Nakabangon na oh."

*Hoaaahh~* hikab hikab. Haha hikab yan wag ng kumontra. Antok pa talaga ko eh.

Syempre naligo na ko at nagbihis. Tinatawag na ko ni mommy para mag-almusal. Haissstt~ Nakakatamad ang araw na toh. Hehe halata bang tamad na tamad na ko ngayon. Ayoko kasi umalis ng bahay. Gusto kong mahiga mag-hapon.

"Oh hijo kain na muna. Aalis pala kayo ng mommy mo." Yaya ni tita Lydia.

Umupo na ko at talaga nga naman kaharap ko sa hapag kainan si Thea. Oh Ace affected? Tsk di naman. Para kasing nagkasagutan kami kagabi pag-uwi ko pero di ko na matandaan kung ano yun. Eh lasing nga naman kasi.

"Salamat po tita." Sabi ko. Napatingin ako kay Thea na nagpapalaman ng tinapay nya. Aba tumingin din sakin, gwapo ko talaga. Ay mali, ang sama pala ng tingin nya. Hindi tingin ng paghanga toh ah. Nako naman.

"Ah Thea nak samahan mo sila Tita Helen mo sa palengke huh." sabi ni Tita Lydia.

Napatigil si Thea sa pagpapalaman. "Po?"

"Nako hija may pagkabingi ka na ba?" haha nasabihan syang bingi. Okay Ace ang babaw mo. Yeah right. Yung mukha nya kasi halatang ayaw nyang sumama. Pano kasama ako.

Dare You to LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora