Dare #008. Broken Girl

66 3 3
                                    

Dare #008. Broken Girl

{Ace's POV}

Com'on. Sagutin mo na oh!

Kung ayaw mo edi wag.

Binaba ko na yung phone ko. Di naman sya sumasagot eh. Makabalik na nga lang sa klase.

Lakad.....

Lakad.....

Linchag namang mga paa toh. Ayaw kumilos eh. Tuloy tuloy lang sa paghahanap sa kanya. Nako naman.

Kinuha ko na naman yung cellphone ko at dinial yung number nya.

Tsk. Ring lang ng ring. Di nya talaga sinasagot. Ano ba naman.

Teka baka nasa klase nya na yun.

Uhmmm siguro nga. Di talaga makakasagot yun. Haissst. Ace paranoid much?

Nako oras na pala ng sunod kong klase.

Eto na talaga papunta na ko sa building namin.

Stupid dare talaga! Bakit ba sa tuwing may dare sakin saktong andun sya. Oo na. Pwede naman kasing ibang babae na lang yung kinantahan ko kaso hindi eh...nadala ko ng emosyon at napalapit sa pwesto nya. Emosyon talaga? Ay ewan.

7pm na at sa wakas uwian na.

Sinubukan ko na naman syang tawagan pero di pa din sumasagot. Di ko alam kung nakauwi na ba sya. 933xxxx. Tumawag na ko sa bahay. Baka lang andun na sya.

"Hello tita?"

[Oh Ace. Bakit?]

"Andyan na po ba si Thea?"

[Ay wala pa hijo. Di ba sabay na kayo uuwi?]

Ah. Eh sabay nga sana kung di lang sana sya naasar sakin. "Ah. Opo. Sige po. Baka po may inasikaso lang. Bye po."

[O sige. Ingat paguwe.]

Naman. Asan na ba yun?

Inikot ko na ang buong school wala pa din.

Eto na talaga. Di na ko mapakali. Pano kung may mambastos na naman sa kanya at magpanic sya.

Again, i tried to call her. This time sinagot na nya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Thea. Asan ka?" I tried to control my emotions. Fear? Worry? Anger?

"Nasa bahay na ko. Baket?" Malamig nyang sagot.

Bahay??!! Sabi ni tita wala pa sya ah.

"Sabi ni tita--"

"Kadadating ko lang."

Ah ganon.

Matapos kong mag alala buong maghapon, sasabihin nyang nasa bahay na sya. Di man lang nya ko tawagan para sabihing 'hoy! Pauwe na ko ah.'

Nakakabadtrip. Para lang akong tanga na alalang alala tapos eto.

Okay Ace. Breathe in breathe out. Ang mahalaga safe sya.

"O-okay. Mabute andyan ka na. Bye."

Binaba ko na yung phone. Ayoko munang makipag usap. Baka mas lalo lang akong mainis.

--------

"Andito na ko."

Nakauwe na ko. Medyo asar pa din.

Napatingin ako sa may sulok, andito na nga yung school shoes nya. Bigla na lang ako napabuntong hininga. At least nakauwe naman pala talaga sya. Sana lang sinabi nya agad.

"Kumain ka na anak?" Tanong ni mama.

"Hindi pa po." Malamlam kong sagot. Sino ba naman makakakain kanina. Para kong hilong talilong sa campus. Kulang na lang baligtarin ko bawat building makita lang sya.

"Sige. Kain na. Ayain mo na din si Thea. Kanina pa namin tinatawag ng tita mo yan ayaw daw nya muna kumain. May nangyare ba sa skul?"

Nangyare.

Napalunok ako.

Ganun ba ka-big deal yung ginawa kong pagkanta kanina?

"Sige po. Tawagin ko na lang sya."

Umakyat na ko. Taawagin ko na sana sya ng marinig kong may kumalabog sa kwarto nya. Parang vase na nabasag.

"Thea?! Thea!!" Dali dali akong kumatok sa kwarto nya.

Di nya ko sinasagot. Dammit~! Ano na naman ba toh.

Ayoko ng nararamdaman ko. May mali na namang nangyayare sa kanya.

"Oi! Thea ano ba. Buksan mo toh!!" This time pinipilit ko nang buksan kaso naka lock talaga.

"Kukunin ko na yung susi kay tita kung ayaw mo kong pagbuksan!"

Pababa na sa ko nang....

"A-Ace..." Narinig kong tawag nya. Di pa din nya ko pinagbubuksan ng pinto pero kahit papano narinig ko sya.

"Buksan mo to Thea kung ayaw mong hingin ko pa ang susi kay tita."

"Wag na. A-ayos lang ako."

I can sense na umiiyak sya. Pero di ko alam kung bakit.

Ako ba? Dahil ba sa nagawa ko. Di naman kaiyak iyak yun ah.

Pero sa di maipaliwanag na dahilan, parang may kung anong sumisikip sa dibdib ko. Parang may nakapulupot na kung ano at ang hirap huminga.

Kung ano man to, di ko gusto ang ganitong pakiramdam.

"Ayos? Asan ang ayos sayo? Umiiyak ka alam ko. Buksan mo na toh."

"Wag na nga sabi eh."

"Sige. Yung susi na lang kukunin ko. Sandali lang."

I heard the door click.

Finally pinagbuksan nya din ako...... and all i can see is a face of a broken girl.

This time, parang mas nanikip yung dibdib ko.

_____TBC_____

A/N: Sorry just a super short update. I think a boring one too? Pero this will be the start para ilabas natin ang past ni Thea. Iniisip ko pa kung anong klaseng past. Hhah

Ja~

Dare You to LoveWhere stories live. Discover now