Dare #003. Keep a Secret

108 2 0
                                    

A/N: Tenen~ 3rd chap na. Sowii kung lame ahh. I so need an inspiration. Lol. Epekto ng buhay single ever. But i'll try my best para panindigan ang genre neto. Ayun~

LEO on the side yoh~ --------->

Dozo~

________________________________

Dare #003. Keep a Secret

{Ace's POV}

Hell no~~

Naman. Pag naman talaga oh. Pinagtatagpo ba kami ng tadhana? Bakit sya pa? Wow drama lang Ace?

Tsk~ wala na natunganga na ko. Pano ba naman anak pala nang kaibigan ni mommy yung girl na napagtripan ng mga kaibigan ko. Ano yan Ace naghuhugas kamay ka na di ka kasama sa kalokohan kahapon!? Eh biktima naman kasi ako.

Tila ba napako yung mga paa ko sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko sa mukha nya na....... parang wala lang? Parang di nya ko kilala? Ano toh ulyanin ba toh at di nya na ko maalala sa gwapo kong toh? Teka di ko maintindihan pero baka patay malisya lang sya.

"Anak eto si tita Helen mo, yung kaibigan ko. Eto naman yung anak nyang si Ace. Mas matanda lang sya sayo ng isang taon." At ayun nga pinakilala na ko ng nanay nya.

Pero yung reaksyon nya, wala lang talaga?

"Nice meeting you Thea. I'm Ace." Pagpapakilala ko. Nakipagshake hands ako sa kanya pero ilang segundo din yun bago nya tanggapin yung kamay ko. Aba talaga naman. Ramdam kong di kami magkakasundo ah.

"Nice meeting you din Ace. I'm Thea." Ngumite naman sya pero halatang pilit. Aba talaga naman. Ang mood mo Ace. Kalma lang.

Sye naman ngumiti na din ako. "I hope we will get along." Nako mukang malabo yon. Gusto ko na sanang tanungin kung natatandaan nya pa ko pero di bale na nga lang.

"Oh tara na nga at pumasok na tayo. Madame dame pa kayong aayusin sa kwarto." Sabi ni Aling Lydia.

"Salamat po uli aling Lydia." Sagot ko naman. Binuhat ko na yung mga gamit namin at tumulong naman si Thea kaso nakabusangot ang mukha. Haisstt~ sayang ganda nya kung ganya lang gagawin nya. Eh? Ano kamo Ace? Attracted ka? Waaahh. Hindi noh. Remember moody ako pagdating sa girls.

"Nako tita na lang itawag mo sakin hijo." Sabi ni Aling Lydia este sige tita Lydia na.

"Sige po tita." Medyo nahiya pa ko.

Naman Ace saan ka nakabili ng kahihiyan?

Meron naman ako non noh!

Eto na nga at nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit ni mommy sa kwarto. Hmmm malaki din pala talaga tong bahay nila Thea. Akalain mong tag-isa pa kami ng kwarto ni mommy. Andito ako ngayon sa kwarto ni mommy. Tinutulungan ko muna sya mag-ayos. Mamaya na yung sakin.

"Ano anak. Ano sa tingin mo? Ayos dito sa babay ng tita Lydia mo no?"

"Opo maliban sa anak nya." Pabulong kong sagot.

"Bakit anak di mo ba gusto yung anak nyang si Thea. Muka namang mabait ah." Nako naman ang talas ng pandinig ni inay. Ano ba toh.

Di naman sa hindi ko gusto si Thea. Teka ano bang gusto ang ibig sabihin ni mommy?

"Po? Syempre ano po kasi di ba po kasi alam nyo na. Di ako komportable kasama ang mga babae." Paliwanag ko. Basta gets na ni mommy pag yan ang sinabi ko.

Akmang tatayo si mommy."Oh saan ka pupunta ma!?"

"Di ka kamo komportable kasama mga babae eh. Alis na ko. Bye." Sabi ni mommy.

Dare You to LoveWhere stories live. Discover now