Dare #010. Promise of Memories

56 3 0
                                    

Dare #010. Promise of Memories

{Thea's POV}

Umaga na pala.

Waaaaaahh. Yung mata ko. Halatang maga. Kahit anong tingin ang gawin ko salamin, maga talaga mata ko. Kakaiyak toh.

Kainis. Kasalanan toh nung Ace na yun eh. Kung di sya pumasok di sana ganto mata ko.

Tss. Dammit Thea. Kahit di ka kinulit ni Ace, buong gabi ka pa rin iiyak. Ang kinaganda lang ngayon parang gumaan ang pakiramdam ko. Dati dati pagkagising ko sa umaga kahit anong iyak ang ginawa ko kinagabihan wala pa din epekto. Di nababawasan yung mabigat sa puso ko. Pero ngayun iba na.

Okay ayoko man aminin, Ace helped me last night. Mahinahon nyang pinakinggan yung kwento ko kahit na alam kong nagpipigil lang sya. Kitang kita ko sa mukha nya na gusto nyang magwala. Mabuti at nakumbinsi ko sya na wag na lang makalabas sa pagitan naming dalawa yung mga narinig nya.

"Thea!! Mag e-8 na nak. Baka malate ka sa klase!!" Sigaw ni mama.

Si mama. Walang syang alam kung anu man nangyari sakin ten years ago. Ayoko nang malaman pa nya. Ayokong malungkot sya dahil don.

"Eto na po. Pababa na!" Sagot ko.

Lumabas na ko sa kwarto. Napahinto ako sa tapat ng kwarto ni Ace.

Uhmmm. Bakit kaya naka bukas toh. Pagsilip ko sa loob wala sya. Nauna siguro sa baba. Himala aga nagising.

"Ma ano almu---" napatigil ako sa hagdan ng makita kong nakasalampak lang sa sofa si Ace. Dito sya natulog? He's such a mess. Parang ewan ang itsura.

"Oh tita. Anyare dyan kay Ace?" Tanung kay tita Helen na ngayun ay pilit na gumigising sa anak nya.

"Etong pasaway na batang toh!!! Lumabas pala kagabi at nag inom hanggang madaling araw. Alas tres na nakauwe este inuwe ni Leo. Ayaw daw papiit kagabi sa pag inom. Mukang may problema daw eh."

Naman. Dahil ba sa sinabe ko kagabi. Masyado syang naapektuhan. Kaya ayokong magkwento eh. "Sige po ako na gigising dyan."

Tuluyan na ko bumaba ng sala at bumalik naman si tita sa kusina kasama ni mama.

Lumapit na ko kay Ace para gisingin sya. What the? Amoy alak talaga ang loko.

"Ace!! Oi Ace gising na!"

Niyugyog ko na at lahat at ayaw pa din magising. Matindi ata talaga ang tama nito. Nako naman.

"Oi Ace! Gising na sabi eh. Maligo ka naman!"

"Uhhhmm~ wag ka sumigaw. Masakit ulo ko."

"Uminom ka ba naman eh. Dali na! Magkape ka don. Baka mawala yang tama mo."

"Maya na. Mamaya pa naman pasok ko eh. Babangon ako mamaya." Nakapikit pa din sya at tumalikod pa lalo sakin.

"Sorry." Umupo ako sa sahig and i held my knees in my chest. I felt like ako ang dahilan bakit sya naglasing. "Dapat di ko nalang talaga kinuwento sayo yon." I said lowering my voice. Ayoko marining nila mama. "Kalimutan mo na lang yun, okay?"

"Don't apologize." He said.

I lifted my head, still looking at his back.

"Ikaw ang naagrabyado kaya wag kang magsorry. Ako dapat mag sorry." Parang lumungkot na naman yung boses nya.

"Eh?"

"Wala ko magawa. Hahah" he laughs sarcastically. "Kita mo, dinaan ko lang sa inom. Wala man lang ako magawa para sa'yo. Kung pwede lang ako mag teleport papunta sa taong yun, pipinuhin ko talaga sya para iganti ka. Kaso ano? Eto. Nagmukmok lang ako after mo mag open sakin. Pinilit pa kita pero in the end, i'm useless."

Kaya ba sya naglasing dahil pakiramdam nya wala sta nagawa? Kung alam lang nya na gumaan pakiramdam ko matapos ko sya makausap.

I smiled kahit na alam kong di nya nakikita. "Thanks."

"Eh?!" Bumalikwas sya ng pwesto. This time sa mukha na nya ko nakatingin.

"Sabi ko thanks."

"Bakit ka nag tthank you?"

"Dahil you listened to me. Kung alam mo lang gano gumaan yung pakiramdam ko pagtapos natin mag usap kagabi."

"T-talaga?"

I smiled and nod.

And unexpectedly, he pulled me closer to him then he hugged me.

Teushejajsvjaos! For a minute, I froze. I felt his arms wrapped on my back and it felt warm.

"I promise." He whispered.

"Eh?"

"I promise, papalitan ko nang magagandang memories yung mga bad memories mo. Just let me okay?"

Di na ko nakakibo. Bigla ko na lang naramdamang tumutulo na pala yung mga luha ko.

I let him hold me for another minute.

Maybe this is the start of the good ones.

_____TBC_____

A/N: tadaaaa. I know such a short chapter again. Sorry. I felt like cutting it there already.

Til next chap~

(≧∇≦)

Dare You to LoveWhere stories live. Discover now