Chapter 60

43 3 0
                                    


Trisha's Pov:

"Bakit ka nandito?!paanong nangyari na ikaw na ang katabi ko?!"-naalimpungatan kong pasigaw na sabi sakanya.

Kasi biruin niyo,si D.o ang makikita ko pag gising ko?!

Anong kalokohan ang nagaganap at paano nangyari na siya na ang katabi ko?!

Samantalang ate ko ang katabi ko bago aku hilahin ng antok.

"Ayaw kita makatabi,umalis ka dito!"-sigaw ko ulit sakanya.

Tiningnan niya lang ako at hindi ako pinansin.

Aba loko 'to ah!ayaw umalis,at nang iinis pa,umayos siya ng upo at bumaling sa kabila.

Sa inis ko bigla akong tumayo,lalayas na sana ako sa upuan ko ng bigla niya nalang akong hinila para mapaupo ulit.

Aba't,talagang nananadya ah!

Tiningnan ko siya ng masama,aba ang loko,ngumiti lang.

Wahhh!ayaw ko ng ngiting yan!

Kita ang heart shape lips niya!na gustong gusto ko---
Oppps!no mali.

Hindi ko gusto!nakakainis talaga!

"Maupo ka nalang dyan,wala nang available na seat na malilipatan ka,nakaupo na sila suho hyung."-malumanay na sabi niya sakin habang nakangiti pa din.

Napairap nalang ulit ako,akala niya,makukuha niya ako sa ngiti niya na kita ang heart shape lips niya?!neknek niya!

Tumayo ako ulit at hindi ko pinakinggan ang mga sinabi niya.

Para saan pa?!tsk!di kami close para pakinggan ko siya!at akala niya ba,porket katabi ko siya at sa heart shape lips smile niya makakalimutan ko na ang ginawa niya na papamahiya sakin noon?!

Its a big NO!

Deadma pa din ako sa sinabi niya,pinili ko pa din ang tumayo at aalis na sana ulit ako sa kinatatayuan ko ng bigla na naman niya akong hinila at pinaupo.

Sabay hinawakan ang kamay ko at inakbayan pa ako!

Hala!ano 'to?!bakit may ganito?!

Namula ako sa ginagawa niya,hindi ako nakakilos agad.

Shock ako!

"Huwag kang makulit,sinabi ko na wala ka ng malilipatan na ibang upuan,dito ka lang."-bulong niya sa tenga ko.

Kinilabutan naman daw ako dun,wahhhh!unnie cristine,unnie kiann!help!

Sigaw ko sa isip ko,hindi ko alam kung paanong hindi ko man lang maigalaw ang katawan ko para pumiglas sa pagkakahawak niya sa kamay ko at pagkakaakbay niya sakin.

Natameme talaga ako sa ginagawa niya sakin ngayon.

Parang bula na nawala ang katarayan at galit ko sakanya sa simpleng pagkakahawak at pagkakaakbay niya sakin.

Maya maya pa,nagsalita siya ulit.

"Trisha,SORRY,sorry sa nangyari noon sa fan meeting namin,hindi ko sinadya na masigawan ka,hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin ko sayo that time na napayakap ka sakin,nagpanic ako,ayoko na maissue tayo,alam mu naman ang mga press,mapadikit lang kami sa isang babae or the other way around,magagawan na agad nila ng kwento,ayoko ng ganon ang mangyari sayo,gusto kong protektahan ka sakanila,kaya ang naisip kong paraan,eh sigawan ka nalang,im sorry,nagtataka ka siguro kung bakit?kasi matagal na kitang napansin,simula nung idebut kami,nakikita na kita,kasama ka ng mga fans na matyagang naghihintay para mapanood lang kami,at simula nun,pinangako ko sa sarili ko na hahanap ako ng pagkakataon na makilala ka ng personal,gusto kasi kitang maging kaibigan,bestfriend ba,"hanggang mapasa akin ka,yung lagpas na sa pagiging magkaibigan,dun naman nagsisimula ang lahat diba?sa friendship muna."hanggang sa nangyari na nga yung sa fan meeting namin na nasigawan kita,pagkatapos nang pangyayari na yun nang makita ko sa mata mo yung sakit at luha na tumulo sa mga mata mo,narealize ko na mali talaga yung pag approach na ginawa ko sayo,and im sori for what i have done to you,pagkatapos hindi na kita nakita sa kahit anong fan meeting o concert namin,palagi na kitang hinahanap sa mga fans na nandun sa event namin pero palagi kang wala,lagi akong bigo na makita ka,im sorry trisha,alam ko long overdue na ang paghingi ko ng tawad sayo,kaya laking gulat at tuwa ko ng makita kita sa smtown concert namin,at kapatid ka pala ni cristine,kaya,kinuha ko na 'tong pagkakataon na makausap at makatabi ka ngayon,para makapag usap tayo,at makahingi ako ng tawad sayo,im sori talaga,sana mapatawad mo ako,."-mahabang sabi niya sakin.

The Once In A Lifetime Book One (Completed)Where stories live. Discover now