Chapter Six

51 6 0
                                    


Estelle pov:

Ramdam ko rin ang nararamdaman nilang dalawa..

Alam ko na hindi sila mapapakali hangga't hindi nila nalalaman kung ano ang pinag usapan nila tita at ate kiann..

"Hay!tara na sa kwarto mo ate cristine,mag open tayo ulit ng twitter,para malaman natin ang iba pang updates about exo."-pilit kong pinasigla ang boses ko.

"Mamaya nalang,tulungan niyo muna ako magluto,at malapit na maghapunan.."-ate cristine.

"Ay oo nga pala 4pm na,saka hayaan na muna natin si ate,im sure tulog nanaman siya."-masigla nang sabi ni bubbles.

Ay naku kahit magpanggap sila na walang tumatakbo sa isip nila,

Halatang halata..hayst!

Ang tamlay kaya nilang dalawa.

"Oh siya!tara na!baba na tayo sa kusina,."-pag aaya ko sakanila.

Habang pababa kami nararamdaman ko na may kanya kanya silang iniisip.

Kaya napapaisip na rin ako..

Nang biglang nagring ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

"Hey girls,sagutin ko lang to ah!c mama ang tumatawag.."-pagpapaalam ko sakanila.

At umakyat ulit ako sa taas papunta sa kwarto ko..

"Hello ma!bakit po kayo napatawag?"-tanong ko kay mama.

"Hmm..masama na ba na tawagan at kamustahin kita anak?nakakatampo ka ah!"-mama

"Naku,hindi po..mama naman eh!tampo agad?hehe!"-natatawang sagot ko sakanya.

"Sus!hindi nga?hindi mo ba ako namimiss?grabe ka anak,hindi mo na ba ako mahal!?"-nagtatampu tampuhan niyang sabi.

"Ay alam ko yan mama,namimiss mo na talaga ako nuh!kabisado kita ma..haha!"-natatawa na talaga ako.

"Haha!anak nga kita,hayst!miss na miss na nga kita anak.."-mama.

Sabi na eh!hay ang mama ko talaga!

"Ay ma,kung alam mo lang,mas miss na miss na kita..kelan ka ba uuwe dito sa pilipinas?"-tanong ko sakanya.

"Hindi ko pa alam nak,pero,tinawagan ako ng tita mo,pinagpaalam ka niya sa akin..sinabi niya na lilipat na kayo ng manila in 3 days."-mama.

"Ahh opo,nandito po si ate kiann,nagleave po siya sa work niya,para magbakasyon at sunduin kami."-sabi ko sakanya.

"Ah mabuti naman,wala na ginawa si kiann kung hindi magpakalunod sa trabaho..naiintindihan ko naman siya,kaso parang nasobrahan naman ata."-mama.

"Oo nga po eh!kaya nga po hinahayaan po namin siya na magpahinga,hindi po muna namin siya kinukulit sa ngayon..haha!"-ako na natatawa.

"Tama yan anak,kayo na bahala kay kiann at bubbles,alam mo naman ang pinagdaanan nilang magkapatid,lalo na si ate kiann mo."-mama.

"Opo ma,kami na po talaga bahala sakanilang dalawa."-sagot ko kay mama.

"Ok,good anak,oh sige na,may trabaho pa ako,ingat kayo diyan."-mama

"Opo ma,ingat ka din po,i love you ma!"-pamamaalam ko sakanya.

Pagkatapos naputol na ang tawag,

Hayst!makababa na nga.

===========================

Cristine pov:

Bubbles,sa tingin mo ba,sasabihin sa atin talaga ni ate kiann kung ano napag usapan nila ni tita?kasi pakiramdam ko talaga iba eh.."-pagtatanong ko sakanya.

Seryoso naman niya akong tiningnan,huminto din siya sa ginagawa niya..

Andito kasi kami sa kusina eh.

"Ate,magtiwala tayo na magsasabi siya,saka malay natin na hindi naman problema yung pinag usapan nila..-serious mode ata siya ngayon.

Pagdating talaga kay ate,nag iiba ang bubbles na masayahin.

Nakikita ko ngayon ang matured na bubbles.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sana nga bubbles tama yang sinabi mo..alam mo naman na ngayon na lang nakakatawa at ngiti c ate ng totoo."ako na napabuntong hininga ulit.

"Oo ate alam ko,kahit wala ako gaanong matandaan sa nangyari,nararamdaman ko ang bigat ng loob na pinag daanan ni ate,kaya nga hangga't maaari,gusto ko na makita si ate na masaya."-naluluhang sabi niya sa akin.

Hay ang bunso namin matured na talaga mag isip.

Pero pag sinumpong ng pagiging isip bata kakaiba din..haha!

"Halika nga dito"- sabay yakap sakanya,umiyak na siya ng tuluyan.

"Alam mo bubbles,matatag na  si ate,kaya kung ako sayo wag ka na umiyak.."

Pagpapatahan ko sakanya..

"ang panget mo kasi eh!"Haha!

Dugtong ko sa sinabi ko.

"Ate naman eh!umiiyak na nga ako,inaasar mo pa ako."
umiiyak pa rin na sabi niya.

"Bunso,tumahan ka na,hala ka,gusto mo ba na makita ka ni ate kiann na umiiyak?"-tanong ko sakanya.

"Ayoko ate cristine..baka bumalik nanaman siya sa dati..ayaw ko nun.."-sumisinghot singhot pa na sabi niya.

"Ayon naman pala eh,ayaw mo,kaya wag ka na umiyak."

Pagkasabi ko nun,biglang may pumasok sa kusina..

"Anong nangyayari dito?
bubbles,bunso bakit ka umiiyak?!"-natatarantang tanung niya sabay lapit kay  bubbles.

Dahan dahan kaming lumingon sa pinanggalingan ng nagsalita.

Patay na,sabi na eh!ayaw pa kasi tumigil sa kakaiyak..

Ayan..hayyy..

===========================

Hala!sino kaya nakakita kay bubbles na umiiyak..

Naku naman..

Madrama ba?sorry po..

The Once In A Lifetime Book One (Completed)Where stories live. Discover now