Chapter 29

42 6 4
                                    

Kiann's pov:

Nasa byahe na kami papuntang airport para sunduin si mama.

Ang pinagtataka ko lang eh kung sino yung lalake na pumigil sa amin na umalis sa venue ng concert.

Saka bakit niya ako kilala,eh sa pagkakatanda ko,ni isa wala kaming kakilala na nasa concert eh!

"Ate,paano ka nakilala nung lalake kanina?kilala mo ba siya?"-kiann.

"Hindi ko siya kilala,hindi ko din alam kung bakit niya ako kilala..nagtataka din ako eh!"-sagot ko naman sakanya.

"Eh,ate,kung di mo siya kilala,bakit niya tayo pinigilan kanina?saka sumigaw pa talaga siya para awatin tayo sa pag alis?"-cristine.

"Ewan ko din,naku,tama na nga yan pagtatanong niyo,muntik na tayo dun ah!pag nalate tayo ng sundo kay mama,mabubuking tayo,buti naman naintindihan niyo ako kanina."

"Ano ka ba ate,syempre naman,ayaw namin mapahamak ka kay tita,kahit hindi na kami nakapagmeet and greet,ok lang,ayaw naman namin na magbeast mode si tita,haha!"-estelle.

"Naku,sinabi mo pa,haha!mahirap na nuh,baka mamaya,higpitan na niya tayo,lalo ka na ate,kung kelan malaya ka na sa nakaraan eh!"-bubbles.

"Oo nga!so sana hindi tayo matrapik nuh!ang layo pa naman ng airport dito."-crystal.

Natahimik ako sa sinabi ni bubbles,sa totoo lang,hindi pa talaga ako nakakapag move on sa nakaraan,hmm..

Ang hirap makalimot,lalo na kung ang gumawa nun ay yung taong pinaka mahalaga sayo.

Napahirap,hindi ko alam kung kaya ko na ba na magmove on.

Lalo na kung makikita ko pa siya..na sana ay hindi mangyari.

Sobrang galit ang nararamdaman ko sakanya.

Poker face akong humarap sa kanila.

"Matutulog muna ako,gisingin niyo nalang ako pag nasa airport na tayo."-cold kong sabi sakanila.

Hindi ko na sila tiningnan pa at pumikit nalang ako para matulog.

"Ano ka ba bubbles,bakit mo pa binanggit yun,ayan cold na naman si ate kiann."-narinig kong sita ni cristine kay bubbles.

"Sorry,nadulas lang yung dila ko,hindi ko naman alam na magiging affected pa din siya sa pag banggit ko nun,."-malungkot na sabi ni bubbles.

"Hayaan nalang muna natin si kiann,mahirap para sakanya yung naranasan niya noon,intindihin nalang natin."-roxie.

Narinig ko pang sabay sabay silang nagbuntong hininga.

Gusto kong magsalita at sabihin na ok lang ako,pero hindi ko magawa.

Kasi hindi yun ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ako ok at hindi ko alam kung kelan ba talaga ako magiging ok.

Ayoko naman magpakaplastic sakanila,na ipakita sakanila na ok ako,pero hindi naman talaga.

Im sorry girls,hindi ko pa talaga kaya.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang pinag iisipan ang mga nangyari sa buhay ko at sa buhay ng pamilya ko.

====================================================================================

Bubbles pov:

Nakokonsensya ako sa sinabi ko kay ate kiann,hindi ko naman alam na maaapektuhan pa din siya.

The Once In A Lifetime Book One (Completed)Where stories live. Discover now