Chapter 46

41 5 0
                                    


Kiann's pov:

Nagising ako sa hindi pamilyar n kwarto.

Nakita ko na may mga kasama ako dito sa loob.

Hindi sila pamilyar sa akin,kaya litong lito ako.

Ano ba ang nangyari sa akin.

Parang ang tagal ko ata nakatulog ah.

Tiningnan ko sila at pilit kong inaalala.

Lumapit sila sa akin at yung isa hinawakan pa ang kamay ko.

"Hello ate,ako nga pala si cristine,pinsan mo ako."-pakilala niya sa akin.

Nginitian ko siya,kaso hindi ko talaga siya maalala eh.

May isa pang nagpakilala sa akin.

"Ate,ako 'to,si bubbles,kapatid mo ako,ang name mo is shinri kiann park,pero ang tawag namin sayo,ate kiann..ayaw mo kasi magpapatawag sa first name mo eh."-nakangiting sabi niya sa akin..hinawakan din niya ang kamay ko,at niyakap niya ako ng mahigpit.

Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala siya.

Hindi ko pa din sila makilala,bakit ganon?

"Ate,sila pala sina mama at papa,si tito jack,sina estelle at roxie,tapos si leeteuk oppa kapatid natin siya,siya ang pinaka kuya natin,wala pa siya dito kasi may praktis sila eh!"-sabi ni bubbles sa akin.

Tiningnan ko naman isa isa ang lahat ng pinakilala niya sa akin.

"Ano ba talaga ang nangyari sa akin?saka bakit ako nandito sa ospital?ano bang naging sakit ko?"-naguguluhang tanong ko sakanila.

Nagkatinginan sila sa isa't isa at wala man lang gusto kumibo o sumagot sa tanong ko.

Parang may nililihim sila sa akin na dapat hindi ko malaman.

"Uhm,anak,ganito kasi yun,andito tayo ngayon sa new york,nawalan ka ng malay habang nasa trabaho ka,ang sabi ng doctor na tumingin sayo,sobrang stress ka daw,kaya kailangan mo muna magpahinga."-sagot ng pinakilala nilang mama ko daw.

Tiningnan ko siya ng matagal,gusto kong maniwala sa kanya,pero bakit parang hindi ko magawang maniwala sa kanya.

Parang may iba pang dahilan.

At saka pakiramdam ko rin na hindi talaga ako dito sa new york nag sstay.

Bakit ganon..tapos nagpalitan pa sila ng tingin.

Anong ibig sabihin nun?

Gustuhin ko man na magtanong pa,pero,ramdam ko na hindi na nila sasagutin ang tanong ko.

"Ay,ate kiann,magpahinga ka muna,para bukas may lakas ka na pag umuwe na tayo,oh di ba?nakaleave naman tayo sa trabaho lahat eh,tapos pag malakas ka na talaga,mamamasyal tayo,hihi!pwede din manood tayo ng sm town!concert nila leeteuk oppa----."-masiglang sabi ni bubbles.

Biglang tinakpan ni crystal un ang bibig niya.

Nagtatakang tiningnan ko silang dalawa.

Alanganin na nakangiti sakin si crystal habang nakatakip pa din ang isang kamay niya sa bibig ni bubbles.

"Ahehe!naku!wag mu na pansinin ang sinabi ni bubbles,hehe!gutom lang siya,alam mo naman 'tong kapatid mo,pag gutom kung ano ano ang sinasabi,haha!di ba bubbles?!"-baling niya kay bubbles na parang hindi na makahinga,kasi takip pa din niya ang bibig nito.

The Once In A Lifetime Book One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon