Chapter 22: Vitalis Family

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos na matapos ang tugtog nila ay isang malakas na palakpak ang narinig nila ng kapatid niya at doon nila nilingon ang ama nasa may pintuan. Sabay naman nilang pinitawan ng kapatid ng instumentong hawak at nilapitan ang ama.

"Iraine really got you two good."

"Don't even mention it." Aniya sa flat na tono.

Habang sinisipat naman ng kanyang ama ang itsura nilang magkapatid.

"Pero bagay naman sa inyong dalawa kaya, okay lang."

"Really?" Kyrian even twirled. "Glad you like it." Saka nito binalingan ang dalawang nasa likod ng kanilang ama. "Anyway I think your wife and your daughter is there." Saka kinuha ng kapatid niya ang pansin ng dalawang babae na kasama niya na kasalukuyang kumakain.

Nang itinuro ng kapatid niya ang mga bagong dating ay agad na tumayo ito at lumapit sa kanila.

"Kayong dalawa sa susunod wag kayong pupunta kung saan-saan." Sabi ni Treivan ang panganay na anak ng dalawa.

"Kayo nga 'tong bigla na lang nawala bumili lang kami ng candy floss nawala na agad kayo." Katiwaran ni Carina.

"Baliktad lang talaga ang mapa niyong dalawa." Magpoprtesta pa sana ang dalwa nang magsalita na si Renan.

"So why are we here? Wag mo sabihing nagiba na ang taste mo at dalawang babae ang gusto mo?" sabi ni Renan in a straight face.

"What? NO!" tila naman nahindik ang kanilang ama sa sinabi ng huli at hindi na nila mapigilang dalawa ang biglang mapabunghalit ng tawa. "You two! Bakit niyo ko tinatawanan?" there father whined making them laugh harder.

Nang mahimasmasan ay saka lang nagsalita ang kapatid niya. "Anyway she's waiting at the back. Sumunod na lang kayo sa'min." sabi nito nagpatiuna na sinabayan niya.

May isa pa kasing kwarto na karugtong ng classroom na inoukupahan nila at doon sila nagbihis ang mga babae kanina nag-text sa kanya si Kyrian na naroroon na ang ina. Dahil kasi sa special barrier na tinayo kanina nila Iraine at Aunt Reese kaya hindi nila basta-basta nagagamit ang mind link nilang dalawa.

Pagbukas nila ng pinto ay nakita nilang nakaupo ang kanilang ina habang umiinom ng tea na inihanda kanina nila Iraine. Tahimik lang ito habang sumisimsim at nasisinagan ng liwanang ang mukha nito making her face brighter and more beautiful even more.

Akmang hahakbang ang kapatid niyang si Kyrian para yakapin ang ina pero agad itong inunahan ng kanilang ama mabilis naman niya nahawakan ang kwelyo ng kapatid bago nito daluhungin ng yakap ang magulang nila.

"Hi My Love, I miss you!" agad na bulalas ng kanilang ama.

"So what's with this commotion?" hinayaan na nilang sumunod sa kanila ang maganak sa likod nila.At dahil hindi agad ng mga ito makita ang kanilang ina dahil nakaharang ang kanilang ama.

Tumikhim silang dalawang magkapatid at na may pigil na ngiti sa labi nila pareho.

Nakita niyang marahang kumalas sa yakap ng kanyang ama saka nakangiting bumaling sa mga bisita nila.

"Renan! Issa! It's nice to see you two again."

Nakita nilang napatanga na lang an gang tinawag na dalawa bago agad na nakahuma si Issa.

"Ate Rina!" nakangiting bulalas ni Aunt Carissa at para bangaw lang na hinawi ang kanilang ama hindi na tuloy nila mapigilan ang bumulalas ng tawa dahil sa itsura ng kanilang ama na parang batang naagawan ng laruan.

"Really, palagi bang gugulatin mo ko sa pagkikita natin Rina?"

"Pasensya na Renan." Anito saka ginantihan ng yakap si Aunt Issa.

Eternal Vow (MBIAV 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon