Chapter Twenty-One: Sweet Torment

98 3 2
                                    

Park Shin Hye

"Mommy, is daddy okay now?" Kausap ko sa phone si Yoo Hee. May sakit si Yongielabs at nasa condo ko kami ngayon.

"He's gonna be okay soon baby," I assured her.

"I'm praying to Papa God mommy, that He will heal daddy completely."

"Thank you baby, surely God will hear our prayers." Nakakatuwa talaga si Yoo Hee. Napakasweet niyang bata.

"Mommy, I miss you and daddy, can I sleep there? Please?" Lalo pa niyang pinacute yung boses niya.

"I would love to have you here baby but ask permission from Aunt Hye Jin first, okay?"

"Yey! I love you mommy!" She was screaming with delight.

"I love you too, Yoo Hee bear." I replied.

Isn't she just adorable? Nagpaalam na siya dahil gusto niya daw pumunta kaagad dito.

"Princess, sino yung kausap mo?" Hindi ko namalayang nagising pala na pala si Yongielabs. Pareho kaming nasa kama at nakayakap siya sakin kasi daw gagaling daw siya kaagad pag ganun. Ang arte no? Pero kilig ako. Haha

"Si Yoo Hee bear, dito daw siya matutulog kasi namimiss niya daw tayo," I responded while touching his forehead. Medyo bumaba na yun temp niya.

"Mas lalong mapapabilis an paggaling ko niyan Princess." Ngumiti siya sakin pero kumunot yung noo pagkatapos.

"Baka hindi siya payagan ni Hye Jin, Princess."

"Hindi naman siguro yun tatanggihan ni Hye Jin. It's not like we'll kidnap Yoo Hee bear, and she's your daughter in the first place." I said bago ko tinanggal yung kamay niyang nakayakap sa bewang ko at bumangon na.

"Saan ka pupunta princess?" he asked.

"Ipagluluto lang po kita kamahalan para gumaling ka na at nang di ka na masyadong clingy sakin," I said laughing.

Nabigla ako nang hinila niya ako pabalik sa kanya.

"Ayaw ko ng pagkain, gusto ko ikaw."

Alam mo ba yung feeling na parang hindi ka makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo? Ganyan na ganyan yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makagalaw.

"Ya!" yun lang yung nasabi ko. Hindi siya nagsasalita pero nakatitig lang siya sakin at unti-unting bumaba yung lips niya papunta sa noo ko tapos tumawa ng tumawa.

Hinampas ko nalang siya sa inis ko. Kinabahan pa naman ako tapos pagtatawanan niya lang ako.

"Ang bilis mong akitin Park Shin Hye! Halatang halata sa mukha mo na pinagnanasahan mo ako," sabi niya pa habang walang tigil sa kakatawa.

"Ang kapal mo Jung Yong Hwa! Bitiwan mo nga ako. Wag kang makayakap-yakap sakin diyan ha!" sigaw ko sa kanya.

"Galit ka ba dahil sa noo lang kita hinalikan princess? Sorry na, kung gusto mo gumawa na tayo ng isa pang Yoo Hee ngayon na!"

Jung Yong Hwa

Kanina pa ako nagpipigil na halikan siya. Nakakatawa talaga yung itsura niya. Nagbablush siya. Ang cute talaga ng girlfriend ko!

"Galit ka ba dahil sa noo lang kita hinalikan princess? Sorry na, kung gusto mo gumawa na tayo ng isa pang Yoo Hee ngayon na!" Dagdag asar ko pa.

Pero nakakagulat yung kasunod na ginawa niya. Bigla siyang bumalikwas tapos humarap sakin. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, yung konting konti nalang mahahalikan niya na ako, which is ayos na ayos sa akin.

"Yong hwa-ya," sabi niya lang tapos pinapungay niya yung mata niya.

"Ne Princess?" Parang nabaliktad yung sitwasyon. Hindi ako makagalaw.Hindi, hindi ko lang talaga gustong gumalaw kasi hindi ako sigurado kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko.

Nalalanghap ko na yung hininga ni Princess. Damn! Ito na ba yung tinatawag nilang sweet torment?

Hindi ko na to kaya. Bahala na. I was about to kiss her nang maramdaman kong may malamig na bagay sa may undearms ko.

Nilagyan niya pala ako ng thermometer habang nakatitig lang sakin. She pulled away at hindi ako nakapagsalita. Walang expression yung mukha niya.

To be honest, sobrang naiinis ako. Paasa to si Park Shin Hye. Paasa siya!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Yongshin DiariesWhere stories live. Discover now