Chapter Fourteen: What Happened in Tokyo

104 6 1
                                    

A/N: Thank you sa lahat ng readers at YongShin shippers na nagbabasa nito pati na rin sa mga nag.PM sakin. I am very much happy dahil marami na akong karamay sa kilig! Haha. I'd also want to especially thank TheQueenTeller for making the new and awesome cover for YSD J I just can't thank you enough. Nakakatuwa talaga! Anyways, I hope you enjoy reading this. Let's keep rooting for YongShin! :)


Para sa mga hindi familiar sa EXO, Kim Jong In is Kai's real name.


Kim Jong in


Kumusta na kaya siya? Naalala niya pa kaya ako?


Dati na akong nagagandahan sa kanya nung pinapanood ko yung mga tv  drama niya. Mas nagandahan ako nung naghost siya sa Melon Music Awards pero  masyadong malayo yung posisyon ko sa kanya nung nasa stage kami. Hindi ko akalaing sobrang ganda niya pala sa malapitan. Naalala ko na naman yung gabing yun.



A few weeks ago...


Tokyo, Japan


"Suho hyung, bilisan mo na, baka may makakilala satin," bulong ko kay hyung. Nasa bookstore kami kasi may hinahanap na kung ano si hyung. Ayaw sabihin kung ano, bigla nalang nagpasama. Buti na nga lang pinayagan kami ni manager. Sabagay, last day naman na namin ngayon. Tapos na ang fanmeet namin.


"Sandali nalang, umikot ka nalang muna," seryosong sabi ni hyung.


Weird siya ngayon pero sumunod nalang ako. Papunta sana ako dun sa may sulok na may notebook na may cover na Echizen nang may dumaan na babaeng pink ang buhok at naka-eyeglasses. Nakaplain white T-shirt at fitted pants lang siya pero iba ang dating niya. Mukha rin siyang pamilyar pero hindi ko maalala kung saan ko siya eksaktong nakita. Hindi ako normally nakikialam sa paligid ko pero ewan ko ba.


Nakita kong nagliwanag yung mukha niya nang makakita siya ng notebook na may cover na The Simpsons. Paborito niya kaya yun kaya ganun siya kasaya?


Pero teka, bakit ko nga ba siya binabantayan? Titingin-tingin na nga lang ako sa ibang shelf habang di pa tapos si hyung...


Nilingon ko siya ulit. Hindi ko mapigilan e. Para siyang magnet na hinihila ako para tumingin ulit.

Attracted nga kaya ako? Japanese kaya ang soul mate ko? Ano ba yan, ang advance ko naman. hihi


Bigla siyang napakapit sa shelf. Mukhang matutumba siya! Tinakbo ko yung distansya sa pagitan namin at tamang-tama lang nung nakalapit ako, nasalo ko siya.


Binuhat ko siya. Sobrang lamig niya! Natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako masyadong marunong mag-Nihonggo tsaka baka makilala ako dito. Magkakaissue na naman, lalo na at may kasama akong babae pero bahala na, kailangan ko siyang dalhin sa hospital. Nag-aalala na ako.


Umikot ako papunta kay Suho hyung. "Sandali lang miss, kumapit ka lang please."


"Hyung, hyung!!" tawag pansin ko sa kanya.


"Hindi pa ako tapos Kai, sandal—" Hindi niya na tinapos yung sasabihin niya dapat. Nanlaki bigla yung mata niya sakin.


"Nakita ko siyang malapit nang matumba kanina. Wala siyang malay hyung, sobrang lamig niya," pagpapaliwanag ko.


"E ano pang ginagawa natin, dalhin na natin siya sa kotse . Hindi natin alam kung nasaan ang hospital. Si manager nalang bahala. Bilisan mo na! Nakadisguise naman tayo. Tumakbo nalang tayo." Hinawakan niya yung braso ng babae at lalong mas nataranta si hyung.


Dahil kinakabahan na rin akong baka may mangyaring masama sa kanya, sumabay na akong tumakbo kay hyung palabas. Nung malapit na kami sa kotse, nalaglag yung pink na buhok niya saka yung eyeglass niya. Wig lang pala yun. Natulala ako nang matitigan ko siya.


Si Miss Park Shin Hye ang buhat buhat ko ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali!


Biglang may nagflash sa paligid ko at nun ko lang napansin na may kumukuha na pala ng picture namin. Aah Jinjja! May papparazzi na naman.


"Kai-ya, bilisan mo na, sakay!" sigaw  ni Suho hyung. Mabilis naman akong tumalima. Pinabayaan ko nalang yung wig at  yung eyeglasses. Masyado akong nagulat sa nalaman ko.


"Ano ka ba naman Kai? Sinabi ko na sayong bilisan mo. Kung kailan malapit na tayo sa kotse, saka pa tayo nabuking? Pano ngayon yan?" Pinapagalitan ako ni hyung habang nagdadrive siya.


Hindi ko na siya masyadong pinansin. Inayos ko na yung pagkakahiga niya sa upuan. Wala pa rin siyang malay. Ang lamig niya pa rin. Nag aalala na talaga ako. Hinubad ko yung coat ko tapos binalot ko sa kanya.


"Ya Kim Jong In! Ano ba? Kinakausap kita! si Suho hyung ulit.


Hinanap ko yung handphone niya. Speed dial nalang ginamit ko. Malamang manager niya ang number one dun. Ganun sakin e.


"Yeoboseyo? "


"Pasensya na, this is Exo's Kai, na—" Hindi ko na tinapos yung sasabihin ko.


Mukhang hindi siya ang manager ni Ms. Shin hye. Maingay din sa background niya kaya pinatay ko nalang yung phone.


Biglang nagpreno si hyung at tinabi yung kotse sa daan.


"Ohmona! Si Miss Park Shin Hye ba ang kasama natin ngayon Kai-ya?"


Napatango nalang ako.

Yongshin DiariesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang