Chapter Eighteen: July 22 (Hye Rim's Diary)

69 1 4
                                    

July 22

Babe,

Happy birthday! It's been a year and I'm missing you so badly but I have to think of your success and my sister's happiness. Congratulations to you and your band for being a big hit! Yoo Hee and I are so proud of you! Kamukhang kamukha mo si Yoo Hee and I'm happy kasi kahit papano naiibsan yung pagkamiss ko sayo. Our daughter just turned one on April 4th and I know you'll definitely love her kung makikilala mo siya. I'm sorry that I have to keep her away from you, that at this very moment, you don't even know na may anak tayo. I never meant to leave you. I am hurting as much as you are. Sinabi sakin ng daddy ko na tumatawag ka pa rin sa kanya paminsan minsan. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataong yakapin ka ulit, yayakapin kita hanggang umayaw ka. Hanggang ngayon mahal pa rin kita. Sana mapatawad mo ko.

Hye Rimmie

July 22

Dalawang taon na pala kitang di nakakasama, nakakausap, nayayakap at nahahalikan. Dalawang taon na akong nagpipilit maging masaya dito sa States. Buti na lang, may Yoo Hee tayo. She keeps me alive. She is the only reminder that once in my life, we belonged to each other. Malambing siyang bata, lagi niyang gusto ng cuddle. She's even sweet to Hye Jin and always tells her to get well so they could play. Babe, kung alam mo lang kung gaano ko siya kagustong ipakilala sayo, kung alam mo lang kung gaano ako kaexcited na makita kayong naglalaro o nag uusap. In due time, you will meet her. Kahit siguro hindi na maging tayo ulit, ayos na sakin basta magkakilala lang kayo. Happy birthday babe! I miss you!

Hye Rimmie

July 22

Happy Birthday babe! Three years na pala. Mukha namang masaya ka na. Nagseselos ako kay Park Shin Hye. Mukhang napalitan na ako. The way you look at her was the same way that you looked at me before. Surprised that I know? I watch all your shows. Even yung mga behind the scenes. Ganyan kita kamiss. Bakit ganun lang kadali sayo? Ako hanggang ngayon, ikaw pa rin at alam ko hanggang sa huli, ikaw lang talaga. Hindi ko alam kung kayo na pero naiisip ko pa lang, sumasakit na ang dibdib ko. Pero kung sa kanya ka sasaya, wala akong magagawa. I guess I just have to accept na hindi talaga tayo para sa isa't isa. Kay Yoo Hee nalang ako magfofocus. Kayong dalawa ang pinakaimportante sa buhay ko. I miss you babe.

Hye Rimmie

July 22

Four Years babe. Paano ko kinakaya to? Iniisip ko nalang na masaya ka, contented with your band and in love with someone else. Iniisip ko nalang din na magiging okay na si Hye Jin at may Yoo Hee tayo na bigkis natin. Minsan gusto kong magpakaselfish at bumalik sa Korea, yakapin ka at isama ka sa Maldives. Yung tayo lang tatlo nina Yoo Hee. Hindi ko na muna iisipin yung career mo saka si Hye Jin pero hindi ko pala kaya. Mas importante sakin na masaya ka at ayos si Hye Jin. Sobrang miss na talaga kita. Hindi nakakatulong na lagi kitang napapanood. Even Yoo Hee gets upset when I suddenly cry when watching you on tv. She'd say, "what did daddy do?" in a very serious tone. Ang sweet talaga ng anak natin and yes, alam niyang ikaw ang daddy niya. I won't deny her of being your daughter kahit sa ganong paraan lang. Mahal kita Yong hwa.

Hye Rimmie

May 5

Mukhang di ko na maaabutan ang birthday mo ngayong taon babe. Naaksidente kami nung nakaraang taon. Nadamage ang ibang internal organs ko pero nabuhay pa rin ako kahit marami akong iniinda. My parents both passed away during the accident. Akala ko hindi ko makakaya, wala ka na nga, nawala pa sila. Buti nalang may Yoo Hee ako. Magaling na rin si Hye Jin kaya kasama ko na siya at siya ang nagbabantay sa anak natin. Yong hwa, pakiramdam ko talaga, hindi na ako magtatagal. Maraming operasyong ginawa sakin pero mukhang bibigay na talaga ang lungs ko. Kung may karapatan akong humiling sayo, gusto kong makilala mo ang anak natin at malaman mong mahal na mahal kita. Patawarin mo ko.

Hye Rimmie

Yongshin DiariesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum