Chapter Nineteen: Prep

57 1 0
                                    

Park Shin Hye

1 message received

From: Yongielabs ❤

May schedule ka sa weekend princess?

Dali dali akong nagreply.

Wala, free ako hanggang Monday morning.

Punta tayo sa Busan. May ipapakilala ako sayo princess.

Sino? I replied.

Galit ka ba princess?

Ha? Bakit mo naman nasabi?

Hindi mo ako tinatawag na Yongielabs e.

Natawa ako. Napakasensitive talaga ng boyfriend ko. Para kaming teenager sa mga pinagtetext namin. Haha

Sorry naman Yongielabs. Mapapatawad mo ba ako? Haha

Kiss mo muna ako princess. Hahaha

Mwah! O ayan, okay na? Sino nga ipapakilala mo sakin?

It's a surprise. Sunduin kita tomorrow princess.

See you Yongielabs!

See you princess! May sasabihin pa pala ako.

Ano yun Yongielabs?

Mahal Kita.

Kyaaaah! It never gets old. Kahit ilang milyong beses niya atang sabihin yan,butterflies would always rush through my stomach.

Dear diary,

                  Excited na akong pumunta ng Busan kasama siya. Sino kayang ipapakilala niya? Kilala ko naman na lahat ng mga kapamilya niya. Pero whatever, basta makasama ko siya, okay na ako. After all, 2 weeks ko siyang di nakasama. Naging extra busy kasi kami pareho. Mas dumami rin ang solo activities niya. Minsan kahit yung boys hindi alam kung ano ang ginagawa niya. Namiss ko siya ng sobra sa totoo lang.

                                                    -shinloveyong-

Jung Yong Hwa

Diary,

                Dinala ako ni Hye Jin sa charnel house kung nasaan ang abo ni Hye Rim. Hindi ko napigilang mapaiyak. I regret that I never approached her the last time I saw her. I could have asked for forgiveness and told her that I'm not in any way mad at her. Sinabi kasi ni Hye Jin na kaya siya lumayo dahil buntis siya at ayaw niyang masira ang career kong nagsisimula pa lang noon. She knows me too well na alam niyang pipiliin ko sila ng anak ko over my career. Tanggap kong hindi kami para sa isa't isa pero nakakalungkot lang na sa ganito natapos ang lahat. Ni hindi ko alam na habang sobrang busy ko sa trabaho, may anak pala akong kailangan ako. Kaya kay Shin Hye, sisiguraduhin kong walang makakapaghiwalay sa amin. Walang kahit anong rason ang magiging katanggap-tanggap. Ipapakilala ko muna ang anak ko at hindi ako kinakabahan na hindi niya kami tatanggapin. My princess has a good heart. Napatunayan ko yun sa bawat minutong kasama ko siya. Excited na akong makita ang anak ko at ipakilala siya sa mga magulang ko at kay princess.

                                  Ilovepsh

Yongshin DiariesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin