Chapter Thirteen: Pissed Off

169 7 9
                                    

Jung Yong Hwa

Diary,

Balik Seoul na naman kami. Balik Seoul na rin siya. Aaminin ko, I've been a jerk for not answering her calls but I prefer to settle the matter personally. Nahirapan ako ng sobra na tiising hindi sagutin ang mga tawag  niya. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako. Hindi ko makontrol ang sarili ko pag nagseselos ako. Pero may plano na ako. Gagawin ko na kaagad kasi misss ko na siya. Miss na miss.

                                                                                Ilovepsh

Park Shin Hye

Dear diary,

          Akala ko okay na kami nung pinadalhan niya ako ng t-shirt sa Japan but I was wrong. Nagtext lang siya at tinanong kung natanggap ko na yung t-shirt. Pagkatapos nun tinetext niya lang kung nasaan siya. Rule number 1 kasi naming pareho. Ako din ganun ang ginagawa ko but I miss our long chats and face time. He became so cold kahit wala naman akong kasalanan. He's not even answering my calls.Hindi ako mabilis maubusan ng pasensya but I am honestly pissed off now. Bahala siya. Hindi ko na siya tatawagan ulit. Kahit na miss na miss ko na sya at gusto ko na siyang makita. Buti pa si Kai, kahit busy laging nagsesend ng "good morning noona" sakin.

                                      -Shinloveyong-

p.s. shinloveyong?? Uncertain.hmp

 Suot ko ngayon yung t-shirt kahit nagtatampo ako sa kanya.

Biglang nagring yung phone ko. Naiinis na tuloy ako kasi tuwing ganito, umaasa ako na siya ang tumatawag, only to be disappointed in the end dahil iba pala. I lazily reached for my phone. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Yeoboseyo?"

"Bumaba ka." Napatayo ako bigla nang marinig ko ang boses ni Yongielabs but I have to play tough. Pagkapos niya akong iignore ng matagal bigla nalang niya akong uutusan? Hmpp. Bahala siya kesehodang nasa baba pa siya ng bahay namin, hindi ako bababa.

"Wae? I'm sleepy, hindi na ako makakababa."

"Sleepy? Inaasahan ko nang isasagot mo yan. Ayos lang kung ayaw mong bumaba." Pinatay na niya yung phone pagkatapos niyan.

Aba, ang suplado pag galit! Bahala siya galit din ako!

Nagtalukbong ako ng kumot dahil sa inis. Nakkafrustrate yung sitwasyon namin. Pareho kaming busy at dapat pag free time nag eenjoy kami pero ang nangyayari, nasasayang lang ngayon dahil sa pagsusuplado niya. Bahala siya talaga, matutulog nalang ako.

"I missed you."

Ohmomo!! Inalis ko yung kumot sa pagkakatabing sa mukha. Yongie is beside me, hugging me by my waist!! Pero kahit pa ang guwapo niya at sobrang nakakaakit ang ngiti niya, hindi ako patitinag, galit ako!

"Morago? Missed me? HAHAHA. Humor me please." Dahil siya ang nagsimulang magsuplado, gaganti ako.

"Mianhae princess. Nagselos lang ako. Saka dapat lang naman din talaga akong magtampo. Hindi mo sinunod ang rule number 2," he said, apologizing and justifying at the same time.

"Look Jung Yong hwa, wala kaming usapan na magkikita kami ni Kai. Ni hindi nga kami masyadong magkakilala. I am very thankful na nandun siya nung mga oras nayun." Kung alam lang niya ang totoong nangyari. Nakakainis kasi to, hindi nagbabasa ng article nang maayos.

"Nawalan na ako nang ganang basahin yung buong article dahil sa mga pictures na kasama dun. Binubuhat ka niya. Oo na, narrow minded na kung narrow minded pero hindi ko kayang isiping nasa kamay ka ng iba, lalo na kung hindi naman drama yun. Sige, makikinig ako ngayon, tell me what happened." Nagpout si Yongielabs pagkasabi niya niyan. Parang bulang biglang nawala yung pagkainis ko. Ang cuuuuuuuuuuuuuuuute!!

"Alright, I'll tell you what happened in one condition," sabi ko.

"Sige, ano yun princess?" interesadong tanong niya naman.

"HUG ME TIGHTER."


Yongshin DiariesWhere stories live. Discover now