Chapter Seventeen: Sudden Call

84 3 10
                                    

Park Shin Hye

"Thank you Kai." I was all smiles nung binuksan ko tong gift niya. It's the "The Simpsons" notebook na bibilhin ko sana sa Japan noon. It's amazing that he kept it for a year not to mention na hindi ko rin inaasahang bibilhin niya to. He's such a thoughtful dongsaeng.

"Walang anuman noona, matagal ko na sanang ibibigay sayo yan kaya lang pareho tayong busy e.Paborito mo ba ang the simpsons noona?"

"Nope, si Yonghwa ang mahilig diyan." At the thought of Yongielabs, bigla akong nalungkot ulit. It would have been good kung nandito siya :(

"Okay ka lang noona?"

"Oo naman, bakit naman hindi?" I forced a smile. "Tara na sa kitchen, marami akong niluto. I heard mahilig ka raw sa chicken kaya nagluto ako ng marami."

Nagpatiuna na ako sa kusina habang nakasunod siya. Kinuha ko yung isa pang plato at binalik sa plate holder. It's just me and Kai tonight, no Yonghwa for me pero ayos lang. Sana.

Nagsimula na kaming kumain and this kid is fun to be with. Mukha siyang hindi maingay pero mukha lang pala dahil sobrang makwento siya at ang cute ng tunog ng tawa niya. Nagulat din ako sa sobrang pagkahilig niya sa chicken. Halos maubos niya yung niluto ko. Nakakatuwa.Atleast sulit yung pagod ko.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko bigla sa kanya. Nakatitig kasi siya.

"Wala noona. Masaya lang ako at nakasama kitang magdinner at grabe daebak ang chicken mo!" He gave me a wink and I couldn't help but giggle.

"Salamat at nagustuhan mo.Gusto mo bang iuwi yung iba?"

"Talaga noona, pwede kong iuwi yung iba? Nakakahiya naman."

"Ayos lang, hindi ko naman mauubos yan. Mag-isa lang kaya ako."

"Pwedeng pati cook iuwi ko na rin?" Hahaha

Natawa ako ng mahina. May sense of humor talaga ang batang to.

"Sure, with talent fee na dapat tax free," sagot ko naman.

Nanlaki yung mata niya tapos tumawa ng tumawa. Nakakatuwa talaga siya.Nagpapasalamat talaga akong siya ang nakakita sakin nung hinimatay ako.

Jung Yong Hwa

Hindi ko talaga gustong umalis pero kailangan. Ngayob palang, namimiss ko na kaagad siya at hindi ako mapalagay dahil kasama niya si Kai. Alam kong mabait siyang bata pero pag ganun kaganda ang girlfriend mo, hindi ka talaga mapapalagay kahit sinong kasama niya. Hindi ko lang inaasahang bigla nalang akong tatawagan ni Hye Jin pagkatapos ng mahabang panahong hindi kami nag usap. Siya ang kakambal ng first love at first girlfriend kong si Hye Rim. Bakit ngayon pa o bakit ngayon lang? Masama ang kutob ko pero pumayag na rin akong makipagkita dahil nagtataka rin ako.

Nasa isang cafe kami ngayon at nag uusap.

"Ano!? May anak kami?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Oo, patawarin mo kami kung hindi namin sinabi sayo. Ayaw ni Hye Rim na guluhin ka."

"Pero bakit ngayon lang Hye Jin? Nasan si Hye Rim at nasan ang anak namin?" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Napatulala muna siya bago humikbi at nagsalita.

"Wala na Hye Rim, Yonghwa. Nung nakaraang buwan pa. Kaya ako nakipagkita sayo para tuparin yung last wish niya. Gusto niyang makilala mo ang anak niyo at gusto niyang sabihing mahal na mahal ka niya."

"Bakit ngayon lang? Bakit walang nagsabi sakin!!?" Napasigaw ako. Masakit pa rin pala. Akala ko ganun lang yun.

"Dalhin mo ako sa kanya Hye Jin, please. Dalhin mo rin ako sa anak ko." Mahinahon ko nang sabi. I felt sorry na napasigaw ako. Umiiyak lang siya. Inabot ko nalang sa kanya yung panyo ko. Alam kong wala naman siyang kasalanan pero kahit naman siguro kung iba ang nasa kalagayan ko ganito tin ang magiging reaksyon. Yung pagkatapos ng limang taon malalaman mong may anak ka at wala na ang babaeng unang nagpatibok ng puso mo.

"Sige." Sumagot din siya pagkatapos niyang umiyak.

Nagpatiuna na ako sa sasakyan.

Hye Rim, ang dami kong tanong pero wala na siguro akong makukuhang sagot. Sana masaya ka na sa langit.

Dahil dito, buo na ang loob ko. Pakakasalan ko na si princess bago pa may mangyaring pagsisisihan ko. I'll protect her and love her. Hindi ko kaya kung mawawala siya sakin.



Yongshin DiariesWhere stories live. Discover now