PartII- Chapter 8

Start from the beginning
                                    

"Hindi ko kaya 'yun," saad ko, lumungkot ang mata nila. Tila ako ang mas gusto nila para sa Ate Aemie nila."Pero may magagawa ako na higit pa roon, kaya kong gawin lahat para sa Ate Aemie niyo, kaya kong Mahalin siya sa paraan na alam ko."







            Nagkinangan ang mata nito ngunit hindi dahil sa sinabi ko, kundi sa taong— ay hindi pala tao, isang impaktong biglang pumasok sa silid.




"Kuya Liejil!!" tumakbo sila kay Liejil na may dalang bungkos ng rosas at mga pasalubong para sa mga bata.






"Hello Kids! namiss niyo ba ako?" bwisit! nakakainis yung ngiti niya!, masyadong pasikat. Napansin ko rin ang parang palong ng manok na buhok niya.



"Opo!!"



"Kuya!! Yung pasalubong namin?" naglalambing pa ang mga bata dito. Bwisit! kainis!, dahil sa kumag na lalaking iyon naiwan akong nakaupo dito!.




"Eto oh," pinakita nito ang naka-plastik na pasalubong.




"Pero bago 'yan! yung pasalubong muna ni Kuya kay Ate Aemie niyo," naka-ngiti na pinuntahan ni Liejil si Aemie, f**k! Bakit sa kanya ngumi-ngiti si Aemie?, bakit ako hindi ko mapa-ngiti si Aemie?! Bwisit!.





"Bulaklak para sayo," ini-abot nito ang bungkos ng pulang rosas kay Aemie, hinalikan niya pa sa pisngi si Aemie. The moment he kissed Aemie's cheeks, feels like I want to punch him hard! How dare him to kiss Aemie like that?, ako lang ang may karapatan na humalik kay Aemie, ako lang.



"Eto pa, malamig na buko para sayo, at syempre puto bungbong katulad ng hiling mo!" nakita kong ibinaba ni Liejil ang pasalubong niya kay Aemie. Tumayo si Aemie para yumakap kay Liejil, sh8t! ganito ba talaga kapag sinaktan mo ang isang tao?, makikita mo nalang na ang katuwaan niya ay binibigay na ng iba?, susuko na ba ako.






"Yihiii!!" tili ng mga bata na animo ay kinikilig doon sa dalawa, samantalang ako rito ay pinapatay na ng libo-libong ligaw na bala ng pag-ibig.







"Thank you Donut! Akala ko nakalimutan mo!"




"Makakalimutan ko ba naman kung ano ang hiling ng Reyna ko?" what?! Reyna? tinatawag niyang Reyna si Aemie? Ako dapat ang nagsasabi 'non, ako ang Hari,'Noon iyon, nung hindi mo pa siya nasasaktan ng sobra ' bigla naman kontra ng kabila kong utak.




"Sabi ko nga, ikaw ang piiiinaka–" pinanggigilan ni Aemie ang pisngi ni Liejil,  that brings me sore eyes."Piiiinaka.. makulit na lalaking nakilala ko," saad niya kay Liejil. Para bang hindi ako nag-eexist sa oras na ito.






"Dada! gusto mo?" biglang bulalas ni Zoren, dahilan para mapunta sa direksyon amin ni Zoren ang atensyon ng dalawa. Inaabutan ako ng chocolate ni Zoren na galing kay Liejil.





"Dada? Bakit ikaw iyak? may nag-away sayo?" atsaka ko lamang napansin na may luha sa pisngi ko, umiyak pala ako.






"Aemie, bakit siya nandito? alam ba ito ng Kuya mo?" iritasyon ang nasa mata ni Liejil ng makita ako.





"Ma–magpapaliwanag ako Donut, sa–sa labas tayo," ani ni Aemie, bumalatay ang sakit sa dibdib ko ng makita ang kamay ni Aemie sa kamay ni Liejil ng hinila niya ito palabas. Ang sakit, ang sakit-sakit ng dibdib ko. Huli na ba ako?, nakakalimot na ba talaga siya dahil kay Liejil?, isusuko ko nalang din ba siya?.




Say I Do (Completed/ under- editing)Where stories live. Discover now