CHAPTER 33 - Sama ka na sa amin!

170 2 0
                                    


CHAPTER 33

"kringggggggg!"


Pasukan na ulit! Hay, kung pwede lang sana mag team building na lang kami for the whole year.

"I would just like to congratulate Donna Christine for winning the best actress sa St.Rita's college team building 2014. Congratulations din sayo Jol."


Nagpalakpakan ang buong class at binati kaming dalawa.

...

"about your final project nga pala, have you started making drafts and have you chosen your respective poets na?"

Nagkatinginan lang kami ni Donna, nawala na kasi sa isip naming ang project.


Natapos na ang class namin at hinanap ko si Bebot at Anna, magluluto daw kami kina Bebot.

...

"Sup! Bes!" Bati sa akin ni Bebot


"Sup bes!" Bago yun ah. Hahaha


"oh ayan na pala si Anna!"


"Di pala makakasama sina Ada and Grace, busy eh!" sabi ni Pat


"oh! Tara lets!" Sabi ni Bebot


Papaalis na sana kami ng biglang may humarang sa harapan namin. Di pa siya nakuntento at naka arms and legs spread pa talaga.

..

.

"Oooops! Ops! Ops!"


"Ano na naman demonyita?" Tanong ko sa kanya


"We will do our project!"


"pwede bang next time nalang? Eh kasi pupunta pa kami kina Bebot eh."


"No! I want to do it now!"


"Gutom na kami Donna, please naman oh. Padaan!" Hinawi ko siya para umalis


Nagpatuloy kami sa paglalakad at nilingon ko si Donna, malungkot at nakasimangot habang pinagmamasdan kaming umaalis palayo sa kanya.

Binalikan ko siya at hinila, nagmamadali para makahabol sa barkada.


"Ano ba!!"

...

"Sama ka na!" sabi ko sa kanya.


Tumawa lang sina Bebot ng sinama ko si Donna demonyita.


*Bebot's place*

Nagluto si Bebot ng ginataang bangus, chicken curry at isang malaking isda, naamoy na naming ang bango ng ulam na niluluto niya.

Samantalang si Pat naman ay nag ba-bake ng cake.


"Iba talaga silang dalawa, match Made in Kitchen!" sabi ni Anna

HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Where stories live. Discover now