CHAPTER 24 - Girls? Unpredictable. Sobra

176 3 0
                                    


CHAPTER 24

Nagulat silang dalawa, ng tinawag ko ang babae na kasama ni Ethan, Si Candy.

..

"Oh hi Jol,kamusta?" bati ni Candy ng may pag-aalinlangan

Nagkatinginan lang kaming apat na para bang may gustong sabihin sa isat-isa ngunit di makapag salita.

"Chris" sabi ni Ethan

" Siya ba Ethan? Siya ba?" tanong ni demonyita na medyo naiiyak

"Uh, by the way she is Candy, my friend."

"Candy, this is Donna, and Sison. I don't know his name."

Pinakilala pa rin ako ni Ethan kahit na alam na man na niya na magkilala kami

"Nice meeting you Donna." Inabot ni candy yung kamay niya. Walang imik si demonyita, hindi man lang inabot yung kamay niya.

"So, you guys know each other?" tanong ni Ethan sa amin

"Oo! Actually kami nga ay mag.."

"No use of telling them na tayo tapos ano? Magpapanggap tayo? Wag na wag mo akong idadamay sa mga ganyan payatot ha!" pangbabara ni demonyita

Para namang gusto ko na sabihin na kami, siya na nga tinutulungan. Tssss.

"close kami! Very close!" sabi ko sa kanila

Tumahimik lang sina Ethan at Candy.

..

"Halika na nga! Alis na tayo!" sabay hila sa akin ni Donna

"mauuna na kami ha! Byeeeeee!" inakbayan ko si demonyita at umalis na kami, naiwan na nakatingin sa amin sina Epal at Candy.

...

.

Nang nakalayo layo na kami ay inalis ko na ang braso ko mula sa pagka ka-akbay, allergic ata ako sa maarte.

"Get your arm off nga! Ewwww!"

"Para naman gustong gusto ko na inaakbayan ka!" siya na nga tinutulangan! Arte talaga!

"Did I tell you to do that? And may balak ka pa talagang maging FAKE BOYFRIEND ko ha? You wish!"

"tutulungan ka nga sana diba??"

'Well, i don't need your help! And ang sabihin mo, gusto mo lang akong tsyansingan kaya gustong gusto mong maging fake bf ko! FYI, im not that desperate!"

"Eh sa wala na akong maisip na ibang gawin eh."

"out of all the things na maiisip mo, yun pa?! Minsan ka nga lang mag-isip, palpak pa!"

"oyy! Kaysa magalit ka sa akin, di ba pwedeng mag thank you ka nalang?!"

"If you didn't bring me there, edi sana di na tayo nakita ni Ethan diba?" sagot niya

..

Nagpatuloy lang ang sagutan naming dalawa hanggang sa maawat na kami ng guard on duty na may batuta.

"Maam, Sir pwede po ba na tumigil na kayo sa pag-aaway."

Kung hindi lang talaga kasalanan manuntok ng babae eh talagang kanina pa to mahimbing na natutulog sa kalye.

..

At tumahimik na kaming dalawa.

"Im hungry, Very hungry." Sabi ng demonyita

Kinaladkad niya ako papuntang school canteen at nag-order siya ng maraming pagkain.

"Im famished na talaga, kanina pa, let's eat"

Aba?! Anong bang problema ng babaeng ito? Bipolar ba to? Hindi ko maintindihan, ang bilis mag iba ng mood? Katakot.

Sobrang takaw naman ng demonyitang ito! Di man lang ako nakakain kahit isang siomai man lang dahil inubos niyang lahat ng pagkain na inorder niya, niyaya pa niya ako sa lagay na yun ha?

..

"don't ever think that we're friends dahil sinama kitang kumain, gusto ko lang talaga ng may security guard,"

" And i don't like na mag-isa ako, baka lapitan pa ako ng strangers just to ask for my number, not in the mood for that."

Wow ha?! Di ka naman masyadong assuming noh? Advanced kung mag isip, akala ko ako lang ang assuming, may tatalo na pala sa akin kung kapal lang ng mukha ang pag-uusapan.

..

"kapal naman masyado ng..."

"Shut up! Gusto ko ng body guard, hindi kausap kaya shut your mouth until I tell you to speak"

Huh! Ayos din tong babaeng to ah! Ako pang hindi pinakain, ako pang hindi pagsasalitain? Wow naman! Ikaw na ang reyna!

"stay there, oorder pa ako."

..

umorder pa ulit ang masibang demonyita ng cheesecake, chicken chips and softdrinks and expected, kinain niya ang lahat. Ilang taon ba tong di nakakain? Sampu?

"well, finally im super busog na!"

"Thanks payatot!" sabi niya

Wow, nag te-thank you din pala ang mga halimaw at demonyita no?

"now you can speak!"

At talagang hinintay ko pang sabihin niya yun bago ako makapagsalita, tsssss. Nu ba nangyayari sa akin

"May thank you din pala sa Vocabulary ng demonyita noh!" sagot ko sa kanya

Ningitian lang ako ni demonyita, di ko alam ibig sabihin ng mga actions niya, sobrang hirap niya talagang basahin. Power of girls: So Unpredictable.

"Ba't ang bait mo ata sa akin ngayon? Epekto ba yan ng broken hearted?" tanong ko sa kanya

"hmmm. Well anyway, maauna na ako Mr.Mayabang. Bye!"

..

"Ate, siya na po bahala sa lahat ng nakain ko, kasama na yung chips!"

...

"Hoy! Ano bang pinagsasasabi mo jan?! Demonyita!" Gulat na tanong ko sa kanya

"Nakalimutan ko kasi wallet ko eh, goodbye!"

Tumakbo ng mabilis si Demonyita, hahabulin ko sana siya ng bigla akong hinarang ng canteen attendant.

"Hoy! Mag bayad kayo ng kinain niyo! Di ka makakaalis hanggang sa mabayaran niyo to lahat!"

..

Walang hiya ka demonyita!! Lagot ka kapag nagkita tayo ulit!! Arrrgggggggggghhhh!


HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Donde viven las historias. Descúbrelo ahora