CHAPTER 6 - Nagbalik na si Anna

398 4 0
                                    

CHAPTER 6

*music playing in his head*

Cause its you and me

And all other people

Nothing to do

Nothing to lose

And its you and me

And all other people

And i don't know why

I can't keep my eyes off of you


6pm na ng ako ay naglakad pauwi sa bahay, naglalakad ako kasi nag-iipon ako pambili ng bagong Jag jeans pang porma

Eh kasi..

Gusto ko magpapogi para kay Crush eh. Hihi ^-^

Hindi na ako sumabay kay Bebot dahil nag iinuman lang sila kasama ang mga Barkada niya.

Hindi na kasi ako masyadong sumasabay at nakikipagkaibigan kahit kanino kasi alam kong tatraydorin lang din naman nila ako.

Ano bang meron sa akin at palagi nalang akong natatraydor?! (Text Drama mode on send it to 2344)

Tama na nga ang kadramahan sa buhay di bagay sa akin eh, ampogi ko naman masyado para umiyak, sayang yung mamahalin kong luha, crystal clear tears baka kunin pa akong artista, pogi ko naman masyado para maging artista lang. Diba? :p

"Bes! Bes!" Aba boses babae yun ah! I'm handsome sure(ayoko ng pretty sure, nakakabakla) Im handsome sure na hindi si bebot yun.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakat at hindi ko na napansin baka babae lang yun na alam ang tawagan namin ni Bebot at may crush sa akin. Gusto lang niya makuha ang attensyon ko kaya ganun.

..

.

"Bes! Ang snob naman! Di ako sanay. Eh gustong gusto mong pinapansin ka eh!" Sigaw nung babae.

..

Nakakapanibago at wala ako sa mood magmayabang at magpapansin ngayon, hindi ko talaga pinansin yung babae.

..

.

"Jollino Sison!"

..

Nilingon ko siya at nabigla ako.

..

.

"Anna Abaygar?"

..

"Yes! Its me"

.

"Tetet?"

..

"Yes Dodong, si tetet to!" Tuwang-tuwang sagot ni Anna.

..

"Teteeeeeeeeeeet!"

"Dodoooooooooong!" at niyakap naming ang isa't-isa.

Si Anna po ang isa ko pang bespren, lima po kaming magkakaibigan date pero naging tatlo hanggang naging dalawa na lang kami ni Bebot. Pumunta kasi ng States itong si Anna dahil ipinagamot nila yung mama niyang may throat cancer.

..

"Tet, kumusta na mama mo?" Tanong ko kay Anna

"Medyo gumagaling na si mama kaya inuwi na namin siya dito Pilipinas para mas maka tipid kami sa gamutan at recovery process niya."

HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Where stories live. Discover now