CHAPTER 19 - Energy Drink ka ba?

203 2 0
                                    


CHAPTER 19

Tinipon kami sa barracks ng team at inannounce yung mga makakapasok sa team at mapapasama sa regionals. Sure naman talaga ako ng 100.1% na makakapasok ako eh, looks pa lang pamatay na!

"These are the numbers who made it to be part of our varsity team, for those who did not make it, thankyou and better luck next time."

"Number 1,2,5,7,10,12,16,19,22,25,30"

Ouuuchh! Bakit wala yung name ko?!? Why?! Eh ang galing ko kaya! Hinde man lang nila nakita ang other characteristics ko? Di ba nila nakita na pogi ako? Nilapitan ko yung coach ng soccer team.

"Coach?! Bakit wala ako? Eh ang galing ko kaya kanina diba? Ang bilis kong tumakbo at ang lakas pa ng stamina ko. Ipasok niyo na po ako." Pangungumbinsi ko kay coach.

..

"hindi mo ba nakita sarili mo kanina? Ginawa mong katatawa-tawa ang sarili mo! Pinahiya mo ang buong soccer team ko!"

"coach hindi naman ah! Eh tuwang tuwa pa nga yung mga manunuod diba? Sobrang saya nila dahil sa akin."

"Ewan ko ba kung sadyang manhid ka o tatanga tanga ka lang talaga, pero sinasabi ko sayo, HINDI KA MAGALING!"

"Ang bilis ko po at ang liksi ko kaya not to mention , pogi pa!"

"sabi na ngang.."

"Coach, why don't we just give him a chance?" sabat ni Ethan

"we can utilize him coach, just take him nalang."

"Ethan, pano natin magagamit yan eh try out pa lang wala ng silbi, eh regionals pinaglalabanan natin diba?" sagot ni coach kay Ethan.

"Coach trust me, may pakinabang din yan." At binulungan ni Ethan si coach

'Oh, siya, siya sige papasukin na nga yan sa team natin!"

..

"Kung hindi lang dahil sa Ace player natin na si Ethan ay talagang hindi ka makakapasok kaya magpasalamat ka!" sabi ni coach sa akin

Swerte niya kung magpapasalamat ako, ano siya hilo? NO WAY.

"Bakit ako magpapasalamat? Ano ako? Kaawa awa? Hindi coach, ayoko!"

"Bastos ka! Eh kung di nalang kaya kita papasukin sa team! Suntukin kita jan eh! Abusado!"

..

"coach, just.. hayaan mo siya" pinigil niya si coach

"okay! Disperse! abangan niyo nalang ang announcements."

Yabang talaga ng Ethan Suarez na yan! Akala niya gwapo na siya? At nagpapabida pa talaga sa harap ng baklang coach na yun. Bait-baitan effect at yung coach naman, hala! Nagpapadala sa Ethan epal. Bakla

"Hay, badvibes masyado! Makapag energy drink na nga lang, masyado akong napagod sa kakalaro eh.

Pumunta ako sa canteen at pumila ng pagkahaba-haba! Hay wala na bang ibang canteen dito? Sarap sumingit, kaasar! Kakapagod mag hintay. Oy babae ang nasa unahan ko, ang boring masyado, mapagtripan nga.

"Hi miss, alam mo, napagod ako sa kakalaro, kaya bibili ako ng energy drink, pero nung nakita kita, I don't think I still need to buy one kasi, likod mo pa lang, na eenergize na ako eh." Banat ko sa girl

Aba! Snob to, hindi man lang talaga ako liningon oh, kahit "k" lang na sagot wala, ma try nga ulit.

..

"Alam mo miss, kahit di ko pa nakikita mukha mo, kinakabahan na ako, kasi alam ko kapag hinarap mo ako, makikita ko ang pinakamagandang babae sa balat ng st.Rita."

..

Wala pa rin! Tigas ah! Ang snob talaga eh.

"Eh ang gusto ko lang naman miss ay mahiram ang oras mo at makausap ka for 5minutes, harapin mo lang ako, mabubuo na ang araw ko."

Wala pa ring imo yung babae! Eh mas malala pa to sa suplada at maarte eh! Mabuti pa yung suplada, kahit na supladahin ka, at least pinapansin ka, eh eto? Bukod sa suplada na, wala pang imik, patay na ata. Patay na sa pick up lines ko

" miss? Patay ka na siguro noh? Patay na patay sa akin?"

Hahahaahahaha! Tssssss.

Konti na lang talaga at hahawakan ko na mukha nito para lang lumingon sa akin.,

"Minasama mo ata pagiging gwapo ko miss, alam mo kapag lumingon ka, di ka magsisisi kasi makikita mo ang pinakagwapong lalake sa St. Rita. 100% true yan!

Last na talaga to. Pag di talaga to lumingon au tatahimik nalang ako.

...

"alam mo you are so special, kasi..."


"Energy Drink ka ba?" Hirit niya, pero hindi pa rin ako hinaharap.

"Bakit?" Sagot ko

  Nakita ko yung babae na nagpipigil ng tawa niya.

"Mukha ka kasing COBRA!" sagot niya sabay harap sa akin.


Si.. Si.. 

Yung babae sa Bar!!!!



HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Onde histórias criam vida. Descubra agora