CHAPTER 16 - D for Dura

214 1 0
                                    




CHAPTER 16

Si demonyita? Lasingera pala? Hay nako, habang tumatagal parang napapatunayan ko talaga na sayang ang ganda nito, pasaway palang babae. Poor Girl

..

"I hate him! I hate him! I HATE HIM!!" binasag ni demonyita yung bote ng San Mig light na iniinom niya.

"Please don't make any scandal here, please let's go home na" sabi ng kasing arte niyang friend.

"let go off me! I loved him so much and Iniwan niya lang ako because he got sick of me? What kind of reason is that?" lasing lasingan na sabi ni demonyita sa friend niya

..

"Hoy! Demonyita! Tumigil ka na nga jan! Wag ka mag eskandalo dito, nakakahiya ka." Seryoso kong sabi sa kanya.

Napalingon silang tatlo sa akin.

.

"Excuse me? who the heck are you?!" tanong ng friend niya

" Yes! Who the heck are you?" Dagdag pa ng isang friend ni demonyita.

"Eh inulit mo lang sinabi ng kaibigan mo eh! You don't know me? Im Jol Sison, ang pinakagwapong lalake sa buong St.Rita's College, 2nd year B.A student!"

"Asa ka naman na makikilala ka namin, EWWWW!"

..

"At bakit nandito ka na naman? Pakialamero ka talaga, sinusundan mo ba ako? If you happen to like me, well just to tell you straight, I DONT LIKE YOU AND I WILL NEVER LIKE YOU! Get lost!"

..

"wow ha? Ganda mo naman para sundan kita, ano ka artista? Ikaw pa nga sumusunod sa akin eh! Nauna kaya ako dito! Sinadya mong lakasan ang boses mo para margining kita!" sagot ko sa kanya

..

"Gosh! Sobra ka naman makapag-imagine, bilib na ako sa kayabangan mo! Kung makapal na ang mukha ko sa lagay na to, how much more ang sayo!!" sigaw ni demonyita

"Umalis ka nga rito payatot! Alis! Alis! Panget mo! Yabang mo! Get the freaking out of my sight!" tinulaktulak niya ako palayo sa table nila

"oy! Wag mo nga akong hawakan! Demonyita ka!" sagot ko sa kanya.

"I said ge.,. ge.. get.."

*pweeeeeeeeh*

*vomits*

*pukes*

WHAAAAATDAFFFFFFUUUU!!!!

SINUKAHAN AKO NG WALANG HIYANG DEMONYITA!

"not my fucking new TSHIRRRT!!!!!"

"FUDGE! Sinukahan mo ako demonyita ka! Di ka pa talaga nahiya at sinukahan mo ang isang gwapong katulad ko!!!!!"

"Ayan napapala mo, pakialamero ka kasi!"

Hala! At hindi pa talaga siya nag sorry ha?

"Wala ka talagang GMRC! Kahit na simple sorry lang ay hindi pa magawa!?"

"Eh bakit ako mag sosorry eh, ikaw tong lumapit sa table namin so, technically, it is you who should apologize for disturbing us!"

"So ako pa talagang dapat mag sorry dahil sinukahan mo ako?!? Aba, iba ka rin ah! Iba na talaga ang kapal ng mukha mo! Walang katulad!"

"Thats what you get from being intruder!! Hahahaha!" tuwang tuwang sabi ni demonyita.

.

"Mag sorry ka!" Inis na sabi ko kay demonyita.

HARI NG YABANG(tagalog story) *Completed!!*Where stories live. Discover now