Megan left the room for awhile. As I was waiting for her to come back, may nakita akong nail polish sa may desk. I slowly looked down to see my fingers. Natetempt akong mag color ng nails. Ang tagal ko din na hndi nag nail color. Hihihi! I took the nail polish and painted my thumb red.









"Love? What are you doing?" Megan asked. Nilapitan nya ako at tinignan kung ano ang ginagawa ko. "Tskkkk! Ang dumi mong mag lagay, akin na yang kamay mo at nang maayos yan."










"Ayoko! Dibale ng madumi, gusto kong matry!!"










Megan ignored me. She painted my nails. Dati atang manikurista tong dyosang to eh. Tsk! Hinintay kong matuyo ang mga nails bago ko kinuha ulit ang bottle para mapagtripan naman ang kanya.











"Sydney, ayaw kong madumihan ang mga kuko ko." Sabi nya.







"Eh, Megan! I want to paint your nails, please? Please, Meeeeeg!! Pumayag ka na kundi magtatawag ako ng iba at sila ang lalagyan ko nito."











Megan rolled her eyes. Napilitan din sya sa huli. I had a remorse upon finishing her nails, ang dumi tignan :( pero kahit ang gulo ng pagkulay ko sa kanyang nails ay nagmukha pa din kamay ng mayaman ang kanya.












"Masaya ka na ba?" She mumbled against my hair.






I nodded with an apologetic smile. "Meg??"









"Mmmm?" Megan muttered. Her fingers are playing with my hair.






"Megan, gusto ko maglakad sa labas. Gusto ko makita ng malapitan yung dagat, pwede ba tayong bumaba?"









"Okay, basta masaya ka." Megan kissed my forehead.






















Bumaba kami at naglakad palabas ng beach house. Walang tao dito ni isa. Megan was right, we own this island. Nakatingin ako sa aking mga paa na nagiiwan ng mga bakas sa purong buhangin dito.



Naupo kami ni Megan sa isang beachbed. Maya maya lang ay hinubad na ni Megan ang kanyang damit at tanging ang pair of bikinis nalang ang natitira nyang saplot. Kahit buong gabi kong nakita ang mga to ay hndi ko pa rin mapigilan ang lagnatin sa init pag nakikita ko ang mga 'to. Suot nya ang kanyang mamahaling sunnies at ang kanyang mapang akit na mga ngiti.






Nilapitan nya ako at tinulungan akong iunbutton ang shirt na suot ko. Matapos syang nagtagumpay sa pag tanggal ng cover up ko ay mistulang bata sya nang hilain nya ako palapit sa dagat.















"Sydney, dont worry. Hindi na ulit kita hihilain pabalik sa malalim." She smiled













Naaalala ko yung huling pagkakataon na nagpunta kami sa kabilang isla malapit dito, doon sa Isle Anastasia nila Aliyah. Doon ko narinig mula sakanya na hindi nya ako ilelet go.








"Okay lang kahit sa malalim mo ako dalhin, marinig ko lang ulit yung sinabi mo na you will never let go of me." Out of the blue, dala ng aking pagkatulala dahil nagbabalik alala ako ay nasabi ko ang mga to.








"Huh?" Hindi ko man makita ang mga mata ni Megan dahil sa suot niyang sunglasses ay nasusulyapan ko ang pagkunot ng kanyang mga kilay.










"Wa-wala." I chuckled










Megan smiled. "Sydney, kung ganoon ay araw-araw kitang dadalhin sa dagat para sabihin sayo na... I will never let go of you. Trust me. Nagawa ko man ito noon, maniwala ka... hindi kita pakakawalan. Nagawa ko lang na layaun ka noon dahil wala akong choice, nakataya ang buhay mo. Sobrang mahal kita kaya mas pinili kong mabuhay ka. Naiintindihan mo naman siguro yun, diba?"









I smiled a little before nodding. "I love you, Meg."









"I love you, Sydney." She held my waist and pulled me closer to her. Hinalikan nya ako. She kissed me somewhere the horizon is visible, somewhere I can see the ends of an entire space, somewhere half of my universe is sky and somewhere I feel like I own everything because right now... it's just Megan and I on an entire island.








"I want you to kiss me during sunset. I want to stay here till sunset, Megan." Sabi ko






Megan sighed. "Kailangan natin bumalik sa Isle Anastasia before 6pm."










"It's okay. Maybe next time." I said, sounding a little bit disappointed. "Babalik pa naman tayo, hindi ba?"








"Babalik tayo dito, sa panahon na yun. We dont need to rush." She smiled.








Before 6pm nga ay nakabalik na kami sa Isle Anastasia. Tinawanan agad nila si Megan dahil sa magulong nail polish sa kanyang mga kuko. Bigla akong namula sa corner habang pinapanuod kong nagtitiis sa pambubully si Megan.





"Mukhang masarap ang ulam mo sa honeymoon, Mac ha! Hahahahaha!" Sabi ni Aliyah. Naku, naku. Kahit kailan talaga tong si Aliyah.









"KFC chicken noh? Fingerin n' lickin good! Hahahaha! Tapos may Mcdo din, paparapapa... luv ko toooo." Pambibwiset naman ni Yuri








"Isa pang magsalita kayong dalawa, tatahiin ko ang mga bunganga nyo gamit ang mga rope na nakalagay ngayon sa kama na ginamit nyong pang gapos sa mga kasintahan nyo kagabi. Mga feeling Christian Grey."









Agad na nanahimik si Yuri at Aliyah.
Nagtinginan ang dalawa at halatang nagpipigil ng mga tawa.









Nasa boarding na kami ngayon at pinaguusapan pa din nila ang nahanap nilang rope sa isang kama sa beach house. May naganap daw na fifty shades of grey sa loob ng kwarto ni Ali at Kiara.








"FYI, guys. Si Aliyah yung tinali, hindi si Kiara! Tangina, haahahaha!" Sabi nitong si Andrea na nasa kabilang row kasama sila Jana at Taki.









SPOILER!!!




Lalabas si Ashley Lucero sa mga susunod na kabanata. Sorry, medyo short. Sabog na ang brain hahaha

Way back home (TBTIEH) On goingWhere stories live. Discover now