Five

10.3K 235 23
                                    


(AN: update para astig hahaha)







SYDNEY POV




Nasa library ako ngayon, naghahanap ng reference book. Badtrip kasi yung isang major subject. Ayst. Tatlong books na ang buhat ko ngayon at sobrang bigat.



"Whoooops!!!"




May bumangga sa akin na babae.







What the----




"Oh, hi Sydney! Long time no see, how have you been?" She grinned





Di ko alam kung bakit nanginit ulit ang dugo ko sa babaeng bansot na to. Chill, Sydney!!!







"Yea, long time no See." I nodded. "Gr-great! Ikaw? How have you been?"











She drew a smug smile with her lips. "Eto, sobrang saya."











"Good for you." I smiled. "Um, I have to get going na. Bye."






Hindi naman na ako apektado dahil kay Megan pero naiinis pa din ako. Sino naman ang hindi maiinis sa babaeng demonyo ang ugali? Sinong di maiinis dun sa taong ipinalit sayo?








"Good morning, sunshineeee!" Bigla akong ginulat nitong si Holland. May dala syang malaking tumbler. Halatang ice nalang ang laman dahil sa ingay ng paghigop niya.




"Holland, maygad. Umayos kang siraulo ka, atakihin ang kidney ko sa gulat eh." Tinarayan ko siya. Nakakabwiset eh.




"Oh?? Bat ang init ng ulo? Hahahahahaha! Kumusta yung outing niyo? Balita ko naglasing daw si Janna. Haha! Ano kwento?"




I chuckled. "Oo, hanggang ngayon nagtatanong pa din sya kung bakit sila naghiwalay ng ex niya."




"Parang ikaw noon?" Sabi nya.



I raised an eyebrow. "Ano?"




"Yung sabi mo? Noon? Nung nawala si You-know-who? I want to know, I need To know, I have to know."





Hinampas ko siya. "Past na yun, wag ng ungkatin."














Habang naglalakad ako sa hallway ay may humawak ng kamay ko. Napalingon ako sa taong yun. Naka hoodie sya ng navy blue at naka Lakers cap. Bigla akong kinabahan. Kinikidnap ba ako? Shet, iaalay na ako sa kulto!


Hinila nya ako sa isang corner na walang tao. Agad niyang inalis ang cap niya at nakita ko ang kabuuan ng mukha niya. Tila lahat ng dugo sa katawan ko ay tumaas sa aking ulo. I was speechless.







"Kumusta ka na?" She asked




Parang nagbago ang mukha niya. Medyo pumayat sya at parang nagkaroon ng eyebags. Pinupuyat ba sya araw araw ni Janine?




Sydney, wag kang mauutal! You might sound nervous. Relax. Nakamove on ka na diba?




"I'm fine. Ikaw? Kumusta ka?"




She just smiled, leaving my question unanswered. "I saw you this morning. May kasama kang lalaki. Sino yun?" She asked me as if she's being possessive.



"He's my friend, Holland." I said.




"Okay," she nodded. "You, um... You're hanging out with Haven Villanueva?"


"Uh, yes." I answered, darting her a curious look. Why is she asking me these questions.



She bit her lower lip and looked at me for a few seconds. Hindi ko na makita ang makinang niyang mga mata. Her eyes were cold. "Pwede ba tayo magkita minsan?"





What?? Siraulo ba sya????




Pero tEka, nagpapaalam ba sya? Hndi nya ako hinihila ngayon?! Ayst, bat ko ba ineexpect na hihilain nya ako eh nakaraan na siya???



"Sige, pag may time." Sabi ko nalang. "I have to go now, bye Delafuente."










After school ay nagkita kami nila Ian at Nika. Pupunta kmi sa bahay nila Holland dahil maglalaro daw sila sa arcade room niya. Sumama ako kahit nakakaumay na ang trip nila. Ayaw naman nila ako pasunudin kasi loser daw ako. So tumingin nalang ako ng magazines sa tabi ng couch ni Holland. May nakita akong magazine. Magazine for business people at ang issue na nakuha ko ay may cover ng pamilya. Mag-asawa at isang anak. Nakatayo ang magasawa at nakaupo naman sa couch ang anak. Ang anak ay walang iba kundi si Megan Mackenzie Delafuente, the daughter of Marco Delafuente. CEO of Delafuente and Osbourne brewery  incorporation.


Ang daming forbes magazine dito. Bigla akong nakakita ng photo ni Holland kasama ang isang babae na parang nanay niya.



"That's my real mom." Bigla ko syang narinig mula sa aking likoran.


May isang photo pa na nakasingit. Photo ulit ni Holland nung sya ay bata kasama ang kaniyang ina. May naka tape pang litrato sa gilid. Litrato ni Mr. Delafuente, tatay ni Megan Mackenzie Delafuente.




"Ano to?" Nacurious ako ng sobra.




"Wala yan." Hollan mumbled saka nya ako iniwan sa couch at lumabas ng arcade room. Sinundan ko sya at naabutan na nagtitimpla ng cocktail drinks sa bartender table ng malaking kitchen niya. May Gin, may vodka, may Rum... Lahat ay produkto ng isang certain brewery company. Isang company na kalaban ng Osbourne incorporation na pagmamayari ng mga Delafuente.



Naglabas ulit si Holland ng Tecquila at coke. "Long island iced tea, try it."

Inabutan nya ako ng cocktail drink na gawa niya. Hindi ko pa iniinom yun at nakalahati na niya.




"Nabuntis si mommy. Nabuntis sya ng tatay ni Megan Mackenzie Delafuente. Nabuntis sya at ako ang bunga."

Way back home (TBTIEH) On goingWhere stories live. Discover now