Chapter 6: Crap! Akala ko yun na yun!

Start from the beginning
                                    

Mayamaya pa’y he pulled over nang may madaanan kaming convenience store. “Wait here, may bibilhin lang ako,” paalam niya bago siya lumabas. Nasundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad siya papasok sa may store. Kahit nakatalikod lang talaga siya eh, alam na alam mo ng pogi siya. Grabe lang, kahit sa anong anggulo talaga eh hot siya. No wonder kung bakit yung mga babaeng nakatambay sa may labasan ng convenience store eh agad napunta sa kanya ang atensyon.

Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung what if boyfriend ko siya. Masaya siguro ano, maraming maiinggit. I’ll be considered lucky then. Pero ang downside din siguro nun, parang di siya safe. Kaagaw-agaw kasi siya eh, it must be difficult trying to take a firm grip on to him para lang di siya mapunta sa iba. And basing it on his records, wala ata siyang girlfriend na nagtatagal. I wonder pa nga kung girlfriend ang tawag niya sa mga yun eh, they all look to me as merely flings.

Pero what the hell, why do I keep on thinking about him. His car seems to have some spell that would really make you think of its owner. “Makalabas nga saglit, ba’t ba kasi naiwan pa dito ang amoy niya?!” I was talking to myself na natitimang na saka ko binuksan ang pintuan at dahan-dahang lumabas. Then I saw an empty bench sa may gilid ng store at naisip kong makaupo nga doon. And so I was walked slowly, limping rather, para lang di mabigatan ang sprained ankle ng kaliwang paa ko. Unfortunately, I accidentally bumped on one of the girls na nakasalubong ko. “Sorry…” agad kong paumanhin.

 

“Putcha naman oh!” pero nagulat ako sa reaction ng babae kaya agad akong napalingon sa kanila. Nakataas ang noo ng isa na parang susugurin ako. At yung mga kasamahan naman niya, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ang war freak lang ng dating nila. What’s wrong with these people, nagsorry naman ako ah. “Ang luwang-luwang ng daanan namumunggo ka pa!” paasik pang sita sa akin ng babaeng nabunggo ko, mukhang siya pa ata kasi ang lider ng grupo nila. Pero kung tutuusin naman, may kasalanan din sila ah. They were walking on the sidewalk na parang sa kanila ang daan since they didn’t even bother sparing a space para sa mga taong makakasalubong nila. Hindi tuloy napigilan ng mga kilay kong tumaas. Ayoko kasi ng mga taong pa-bossy na astig-astigan lang.

 

“Excuse me?” naiiritang untag ko.

 

“Tangna excuse me daw oh!” kumunot ang noo nung babae saka siya ngumisi na tila nanghahamon ng away. Tapos mayamaya pa’y naglakad sila palapit pa sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan kasi marami sila, dagdag pang hindi okay ang paa ko at siguradong wala akong kalaban-laban if ever man sugurin nila ako. “Mayabang ka masyado ah!” nakangisi pa ring parinig ng lider-lideran nila. My goodness, ngayon lang ako naka-encounter ng mga taong di nakaintindi sa simpleng sorry.

 

“Nag-sorry po ako kung di niyo man narinig,” di ko tuloy napigilang ipamukha sa kanila. Pero dahil sa sinabi ko eh bigla tuloy akong sinugod ng isa sa kanila at akmang sasampalin na ako when---!

Don’t you dare hurt her or I swear to God I’m gonna kill you!”

At lahat kami sabay-sabay na napatingin kung saan galing ang boses na ‘yun. He’s there, Harold is there. Nanlilisik ang mga mata niya habang halatang mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak niya doon sa kamay ng babaeng sasampal sana sa akin kanina lang.

Kung sila nagulantang sa bigla niyang pagdating, ako naman nakahinga na nang maluwag. Malapit na ako nun ah. Muli tuloy akong napatingin sa mga babaeng nakapalibot sa akin, hindi ko alam kung paano i-describe ang mga itsura nila. They all seemed frightened and at the same time may ningning sa mga mata nila na halatang gwapong-gwapo sila sa knight and shining armor ko.

The Basketball Jerk [Ongoing]Where stories live. Discover now