"manahimik ka nga! Akala mo magnanakaw ang pumasok! "

"pwede naman kumatok diba?!"

Umatras sya ng konte tapos kumatok sya at pumasok na.

"no use na din, nakapasok ka na eh. ano bang kailangan mo!?"

"hindi mo ba naririnig?! kanina pa tayo tinatawag ni yaya! kakain na daw binge !"

Tumayo na ako tapos nag ayos ng buhok ko.

Nauna na syang bumaba.

Paglabas ko ng kwarto ko, Nabigla ako ng makita ko ang pinto ng room ni Steven. Puro stickers , hindi halatang pink   ang pinto nya dati. May nakadikit na kung anu-ano. Nanlaki ang mga mata ko ng may mabasa akong di kanais-nais

"NO CAREFREE ALLOWED?!"

Leshe! Ang laki pa talaga ng  sticker na yon ha! bakit naman ako papasok  dyan?! Kabadtrip haa!

Ano na kayang nangyari sa loob ng kwarto nya? Pink pa kaya?

Padabog akong bumaba ng hagdan, sumunod naman sakin si Belly.

Nakaready na ang mga pagkain sa dining table.

Ang dami ngang pagkain eh dadalawa lang kaming kakain.

Naghugas ng kamay si Steven tapos umupo na ako.

Nilagyan ni yaya ng pagkain si  Belly. naupo na din si Steven at nagstart na kaming kumain.

Napansin ko naman na nakatingin sakin si Steven with an 'eww' look on his face.

"what?" tanong ko

"ewww"

"ew ka dyan?"

"hindi ka naghugas ng kamay bago kumain"

Tinaasan ko sya ng isang kilay "so what?"

"hindi mo ba alam na may millions of germs ang  pwedeng meron sa kamay tapos babagsak sa pagkain mo"

Tumayo ako at dumirecho ako sa lababo para maghugas ng kamay saka umupo ulit.

"Satisfied?"

"Yep"

Mas maarte pa pala tong lokong to kesa sakin.

Medyo matagal ako kumain kasi ninanamnam ko pa ang lasa ng pagkain. Napansin kong nakatingin nanaman sakin si Steven.

Ano nanaman kaya ang problema nito? tinignan ko ang plato nya  , wala ng laman, eh bat hindi pa sya tumatayo?

MY WRONG MATCHTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang