Siguro inabot ako ng 30 minutes kakasoundtrip lang.

Nung sumakit na likod ko sa kakaupo nagdecide na akong lumabas dahil mahirap na baka ako naman ang masigawan ni mama.

Pagkalabas ko, nakita ko si Steven na paparating at nakasakay sa motor.

Pinark nya ang motor nya sa tabi ng kotse namin at tinanggal ang helmet nya.

Nagkatinginan kami pero dinaanan nya lang ako. Nakakainis talaga sya!

Nung nasa loob na kami ng resto

Hindi sya nagsasalita pati na rin ako.

"Ok listen Steve and Thania"

Napatingin kaming dalawa kay tita Liza na biglang nagsalita.

"Belle and Anderson family came up with the idea that the two of you will live under the same roof for 5 whole months" nagulat kaming dalawa at napatayo

"WHAT THE F***!" reaction ni Steven

"NO WAY!" reaction ko

Naggiggle si tita Liza na parang teenager.

"you know, getting to know each other"

"I already know him!" sigaw ko.

"As if naman na kilala mo na ako" sarcastic na sabi ni Steven.

Inisnob at inirapan ko lang sya saka humarap kay mama

"Ma seriously?" tanong ko kay mama.

"Don't worry anak, after 5 months we'll know if itutuloy pa ang arrangement na to with Anderson family. if not, we'll search for another"

Ano ako aso na ibibreed sa iba kapag hindi nagsuccess sa una?

Pero napaisip ako.

Ibig sabihin pwede pa itong matigil kapag hindi nagwork ang pagsasama namin...

At baka sa susunod na maging fiance ko naman ay si Ray na!

Napangiti ako ng patago pero bigla din naman akong napasimangot.
Ibig sabihin makakasama ko si Steven sa iisang bahay?!
No way!
Ayoko!
Ayokoooo!

Tinignan ko si Steven, nakita kong nakaevil smile sya.

Kinabahan tuloy ako.

"Iready nyo na ang mga damit nyo because this saturday na kayo maglilipat sa magiging bahay nyo" sabi ni papa habang nakangiti silang lahat samin.

Tinaas ko yung isang kamay ko habang nakayuko
"ummm... pwede ko bang isama  si Belly?"

MY WRONG MATCHМесто, где живут истории. Откройте их для себя