Biglang nagalit ang mukha ni tita Liza

"What are you talking about?! This is for your sake! And you cannot decline for this!"

" tss! Hindi ako tulad ni kuya na sunud-sunuran lang sa inyo!" bigla syang tumayo at naglakad palabas ng resto.


Nabigla kaming lahat at speechless.



Wooooah....What an attitude....

Mga ilang seconds na walang nagsasalita.


Silence~




Silence~



Silence~





"Ahem ahem"

Nagubo ubuhan yung daddy ni Steven "Magkucool down din yon, Don't worry we'll talk to him when he returns and I do apologize for his attitude"



-BAAAAM!-



Binagsak ni tita Liza ang kamay nya sa table.

"HINDE! Tatawagan ko sya!" kinuha nya yung phone nya at nagdial.

"Steven! How dare you to walk out like that?! Kapag Hindi ka bumalik dito within 30 minutes, You'll see what I can do!" tapos binaba nya na.

Halos mabingi kaming lahat sa lakas ng boses ni tita Liza. Nakakatakot palang magalit ang mommy ni Steven... 

At dahil sa nabobored na ako dito, gumawa ako ng paraan para makaalis din ako sandali.

"Umm... excuse me, may kukunin lang po ako sa sasakyan"


Umalis na ako, Paglabas ko pumunta agad ako sa parking lot kung saan pinark ni papa yung sasakyan namin at pumasok ako sa loob.

"Nakakainis! akala nya ba gusto ko syang maging fiancé ?! Duuuuuuuuh! Nakikisama lang ako sa family nya dahil ayokong mapahiya ang family namin!! Bwiset!!"

Lumipat ako sa driver's seat para buksan yung aircon pati na rin yung music player. Nilakasan ko yung volume hanggang sa maximum nito.
Nagtitinginan na nga yung mga napapadaan sa labas ng van namin kasi siguro umaabot sa labas yung music. Wala akong pakealam.

MY WRONG MATCHWhere stories live. Discover now