Ang uniform namin ay long sleeves na nakakabaliw kasi ang init init sa Pilipinas at patungan pa ng vest at gray skirt na above the knee at socks na hanggang baba ng tuhod.
Lalo pang umiksi ang mga skirts kapag nakakita ka ng mga Koreans o di naman Japanese na kapwa estudyante din dito.
Sa school na to kilala ang pangalang Thania Belle.
Nangunguna kasi ako na pinakamatalinong babae sa school na to.
Kung sa babae ako ang top 1 ang top 1 naman sa lalake ay si STEVEN ANDERSON.
Ang lalaking kinaiinisan ko sa buhay ko.
Sikat sya sa mga babae.
Ewan ko ba kung bakit maraming nagkakagusto sa taong yan.
Gustung-gusto nya lang ako talunin pagdating sa grades.
Aminado naman akong may itsura sya.
5'9 ang kanyang taas, maputi, matangos ang ilong, may killer smile at nagpalakas pa ng dating nya yung malapangil nyang dalawang ngipin pero kung makatingin akala mo papatay ng tao.
Isinisumpa ko na ipinanganak pa yan sa mundong ibabaw.
Pasalamat sya at may gusto ako sa matalik nyang kaibigan na si Ray.
Oo may gusto ako sa SC President namin.
Sya si RAY DALLAS.
Ang pinakagwapong lalaki sa aking paningin.
5'9, moreno, tahimik lang, palangiti, matangos ang ilong basta isa syang parang prinsepe ng mga anghel na galing sa langit.
Kung kay Steven ang tawag ko sa ngiti nya ay killer smile ang kay Ray naman ay MURDERER SMILE .
Napakaperpekto nya sa aking paningin.
Yun nga lang may nagpapasira ng imahe nya kapag kasama nya ang kanyang girlfriend na si REBECCA STUE.
Kilala bilang pinakamalandi sa buong campus.
Sinamahan pa ng mga alipores nyang sunud-sunuran sa kanya na kulang na lang magkasungay at buntot sa sobrang attitude ng mga ito.
Maganda sya, sexy, morena pero syempre mas maganda pa rin ako kesa sa kanya.
Hindi ko alam kung paano sya nakakatagal sa paggamit ng sobrang taas na heels at sobrang iksing skirt araw araw.
Lahat ng estudyante, teachers pati na din siguro ang pangulo ng Pilipinas ay nagtataka kung ano ang nakita ni Ray sa kanya.
Ito namang si MARTIN LEE ang kukumpleto sa pagkakaibigan ni Steven at Ray.
Tatlo silang magkakaibigan at magkababata.
Half Korean.5'8 ang height. Bagay syang sumali sa K-pop dahil sa itsura nya at pananamit.
Sa pagkakaalam ko palagi syang nasa clubs para magparty party at happy go lucky lang sya sa buhay nya.
Sumatutal ay babaero sya at papalit palit ng girlfriend.
Meron din akong best friends.
si LIZZIE STYLES, 5'3, maputi, short hair, shy type, NBSB, pero medyo kalog kapag nakasama at nakilala mo ng husto.
Itong kaibigan kong to isa sa naloloka kay Steven
ESTÁS LEYENDO
MY WRONG MATCH
Novela JuvenilThis book is a work of fiction,names,characters,some places and incidents are product of the author's imagination and are used fititiously. Any resemblance to actual events,places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Copyright © 201...
